Anita Linda
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Anita Linda | |
Tunay na pangalan: | Alice Lake |
Petsa ng kapanganakan: | 1926 |
Asawa: | Fred Cortes (divorced) |
---|
Si Anita Linda ay isang artistang Pilipino. Una niyang pinasok ang paggawa ng pelikula sa panahon ng digmaan.
Ginawa niya ang Tia Juana subalit ito ay napalabas na noong 1943. Nang matapos ang digamaan noong 1946 ay agad na siyang kinontrata ng Premiere Production at dito siya nakagawa ng halos tatlong dosenang pelikula.
Una niyang pelikula sa Premiere ay ang Ngayon at Kailanman. Siya ay sumubok rin sa mga pelikulang aksyon tulad ng Bandilang Basahan at Dugo ng Katipunan na kapwa pinalabas noong 1949, Tatlong Balaraw at ang Nenita Unit ng Luzon Theaters Incorporated.
Si Anita Linda ang kauna-unahang nagwagi ng Maria Clara Award noong 1952 bilang Best Actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang Sisa (1951). Noong 1976 at 1999, nakuha naman niya ang Gawad FAMAS (FAMAS Award) ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (katugma ng Oscars ng Amerika sa Pilipinas) sa Pinaka-kapuri-puring Pagganap ng Isang Pangalawang Aktres (Best Performance by an Actress in a Supporting Role) para sa mga pelikulang Tatlo, Dalawa, Isa (1975) at Ang Babae sa Bubungang Lata (1998). Nakakuha din siya ng mga nominasyon mula sa FAMAS sa Pinaka-kapuri-puring Pagganap ng Isang Pangunahing Aktres (Best Performance by an Actress in a Leading Role) para sa pelikulang Nag-uumpugang Bato (1961) at Pinaka-kapuri-puring Pagganap ng Isang Pangalawang Aktres (Best Performance by an Actress in a Supporting Role) para sa mga pelikulang Bimbo (1969), Mrs. Teresa Abad, Ako Po Si Bing (1976), Mahal Mo, Mahal Ko (1978), at Bakit Bughaw ang Langit (1981). Siya rin ay ginawaran ng Natatanging Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Lifetime Achievement Award of the Filipino Film Critics) noong 1982 at ng Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Pangalawang Aktres (Best Supporting Actress) para sa pelikulang Takaw Tukso (1986).
[baguhin] Pelikula
Taon | Pamagat | |
---|---|---|
1943 | Tia Juana | |
1947 | Ngayon at Kailanman | |
1947 | Sekretang Hongkong | |
1947 | Alias Sakim | |
1948 | Ang Anghel sa Lupa | |
1948 | Wala na akong Iluha | |
1948 | Hiram na Pangalan | |
1949 | Bakit Ako Luluha? | |
1949 | Bandilang Basahan | |
1949 | Kung Sakali ma't Salat | |
1949 | Suwail | |
1949 | Kay Ganda ng Umaga | |
1949 | Dugo ng Katipunan | |
1949 | Ang Lumang Bahay sa Gulod | |
1950 | Tatlong Balaraw | |
1950 | Punglo at Pag-ibig | |
1950 | Prinsipe Don Juan | |
1951 | Kapitan Bagwis | |
1951 | Kadakilaan | |
1951 | Sisa | |
1952 | Luha ng Langit | |
1952 | Bulaklak ng Nayon | |
1952 | Tatlong Kabanata sa Buhay Ko | |
1952 | Ngipin sa Ngipin | |
1952 | Sawa sa Lumang Simboryo | |
1953 | Malapit sa Diyos | |
1953 | Carlos Trece | |
1953 | Agilang Itim | |
1953 | Siga-Siga | |
1953 | Makabuhay | |
1953 | Nenita Unit | |
1954 | Ri-Gi-Ding | |
1954 | Lourdes | |
1954 | Playboy | |
1954 | Guwapo | |
1954 | Por Bida Gid | |
1954 | Basagulera | |
1954 | Bandolero | |
1955 | Bandilang Pula | |
1955 | Magia Blanca | |
1955 | 7 Maria | |
1956 | Takya | |
1956 | Ambrocia | |
1956 | Buhay at Pag-ibig ni Dr. Jose Rizal | |
1956 | Hokus-Pokus | |
1956 | Haring Tulisan | |
1957 | Viva Las Senoritas | |
1957 | Ukelele Boy | |
1958 | Mga Liham kay Tia Dely | |
1958 | Obra-Maestra | |
1958 | Matandang Tinale |