Benigno Aquino, Jr.
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Benigno Aquino Jr., mas kilala bilang "Ninoy" ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya sa Pandaigdigang Paliparan ng Maynila (ipinangalang Pandaigdigang Paliparan ng Ninoy Aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya ipinatapon. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-Pangulo ng kanyang maybahay, si Corazon Aquino ("Cory"), na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos.