Carmencita Abad
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Carmencita Abad | |
Petsa ng kapanganakan: | 1933 |
Si Carmencita Abad (ipinanganak noong 1933) ay isang artistang Pilipino. Isa siyang kontratadong artista ng LVN Pictures subalit sa Sampaguita Pictures una siyang lumabas.
Gumanap siya bilang isa sa mga dama sa Tres Muskiteros noong 1951. Pagkaraan ng isang taon lumipat siya sa LVN at ginawa ang unang pelikula niya dito na Kidlat, Ngayon na pinagbidahan ni Armando Goyena. Hanggang sa nagkasunud-sunod na ang kanyang pelikula sa naturang bakuran.
Ilan sa mga memorableng pelikulang kanyang ginampanan ay ng siya ay ipareha kay Mario Montenegro sa Panyolitong Bughaw na isang melodramang pelikula at kay Willie Sotelo naman sa sci-fi na Zarex.
[baguhin] Pelikula
- 1951 - Tres Muskiteros
- 1953 - Kidlat, Ngayon
- 1954 - Damong Ligaw
- 1954 - Ikaw ang Dahilan
- 1954 - Singsing na Tanso
- 1955 - Tagapagmana
- 1955 - Hagad
- 1955 - 1 2 3
- 1955 - Panyolitong Bughaw
- 1955 - Karnabal
- 1956 - No Money... No Honey
- 1956 - Everlasting
- 1956 - Medalyong Perlas
- 1956 - Kumander 13
- 1957 - Dalawang Ina
- 1957 - Rosalina
- 1958 - Zarex