Leopoldo Salcedo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mga nilalaman |
[baguhin] Talambuhay
Matangkad, Magandang lalaki at Moreno. Hindi naging madali kay Pol ang pagpasok sa pelikula, nagsuot muna siya sa butas ng karayom para bago niya maabot ang tugatog ng kanyang kasikatan.
Lumabas siya bilang ekstra sa pelikulang Sawing Palad at nasundan pa iyon ng Ang Itinapon noong 1936. Hindi pa siya gaanong napansin hanggang kontratahin siya ng Filippine Pictures at gawin ang limang kontratang pelikula ang Ligaw na Bituin, Kalapating Puti, Dalagang Silangan, Biyaya ni Bathala at Anak ng Hinagpis at ang kanyang papel ay pawang suporta lamang sa mga bigating artista sa pelikula.
Hanggang sa noong 1940 ay ipagkatiwala sa kanya ng pelikulang hango sa tunay na buhay ang Sakay ay doon na nagsimulang mapansin ang kanyang pagganap na de-kalidad, ito ay pumutok sa takilya hnaggang sa nakagawa pa siya ng isang dosenang pelikula sa loob lamang ng dalawang taon bago magkagiyera.
Kinuha ng LVN Pictures ang kanyang serbisyo para itambal sa pinagmamalaki ng kompanya na si Mila del Sol ang Mabangong Bulaklak. Kung tutusin ay mas marami siyang nagawang pelikula sa LVN' kumpara sa Sampaguita Pictures.
Si Pol ay nagtatag ng sarili niyang kompanya ang LGS Production at lima lamang ang nagawa niyon ito ay ang Kambal na Lihim, Parole kasama si Paraluman, Divisoria..Quiapo... kabituin si Gloria Sevilla, Tampalasan,Highway 54 at Mr. Dupong.
Sa bakuran ng Sampaguita at tatlo laamng ang kanyang nagawa at ito ay ang Katawang Lupa kabituin si Lolita Rodriguez, Sandra kapareha si Carmen Rosales noong 1959 at ang mag-amang si Pol at Edgar Salcedo ang Anak ni Kamagong noong 1964.
Una niyang idinirihe ang pelikulang Sierra Madre ng LVN Pictures noong 1949
[baguhin] Tunay na Pangalan
- Leopoldo Gron Salcedo
[baguhin] Palayaw
- Pol
[baguhin] Kapanganakan
[baguhin] Lugar ng Kapanganakan
[baguhin] Anak
- Yvonne Salcedo
- Edgar Salcedo
[baguhin] Bilang Aktor sa Pelikula
- 1934 -Sawing Palad
- 1936 -Angg Itinapon
- 1936 -Santong Diablo
- 1937 -Gamu-gamong Naging Lawin
- 1937 -Lihim na Ina
- 1937 -Umaraw sa Hatinggabi
- 1937 -Ang Kumpisalan at ang Batas
- 1937 -Magkapatid
- 1937 -Via Crucis
- 1937 -Sampaguitang Walang Bango
- 1938 -Ligaw na Bituin
- 1938 -Kalapating Puti
- 1938 -Dalagang Silangan
- 1938 -Biyaya ni Bathala
- 1939 -Anak ng Hinagpis
- 1939 -Walang Sugat
- 1939 -Ikaw ang Dahilan
- 1939 -Matamis na Kasinungalingan
- 1939 -Mabangong Bulaklak
- 1940 -Sakay
- 1940 -Libingang Bakal
- 1940 -Carinosa
- 1940 -Maginoong Takas
- 1940 -Dating Sumpaan
- 1940 -Nag-iisang Sangla
- 1940 -Aliitaptap
- 1942 -Huling Habilin
- 1941 -Hiyas ng Dagat
- 1941 -Rosalina
- 1941 -Villa Hermosa
- 1941 -Ararong Ginto
- 1941 -Ilang-Ilang
- 1942 -Caviteno
- 1942 -Prinsipe Tenoso
- 1943 -Tia Juana
- 1944 -Liwayway ng Kalayaan
- 1946 -Ginoong Patay-Gutom
- 1946 -Doon Po sa Amin
- 1946 -Fort Santiago
- 1946 -Dalawang Daigdig
- 1947 -Kaaway ng Bayan
- 1947 -Kamagong
- 1947 -Alias Sakim
- 1947 -Binatang Maynila
- 1947 -Ang Kamay ng Diyos
- 1947 -Hanggang Langit
- 1947 -Sa Ngiti mo Lamang
- 1947 -Tandang Sora
- 1947 -Ina
- 1948 -Kambal na Ligaya
- 1948 -Siete Dolores
- 1948 -Mga Busabos ng Palad
- 1948 -Sierra Madre
- 1948 -Hindi Kita Malimot
- 1949 -Ang Lumang Simbahan
- 1949 -Kayumanggi
- 1949 -El Diablo
- 1949 -Capas
- 1949 -Kuba sa Quiapo
- 1949 -Lupang Pangako
- 1949 -Haiskul
- 1950 -Florante at Laura
- 1950 -Hantik
- 1950 -Huramentado
- 1950 -Batong Buhay
- 1950 -Kundiman ng Luha
- 1950 -Tatlong Bagwis
- 1950 -Dalawang Bandila
- 1950 -The Spell
- 1950 -Tatlong Limbas
- 1951 -Higanti
- 1951 -Irog, Paalam
- 1951 -Bisig ng Manggagawa
- 1951 -Dugo ng Bataan
- 1951 -La Roca Trinidad
- 1951 -Tatlong patak ng Luha
- 1951 -Amor mio
- 1951 -Munting Paraiso
- 1951 -Ang Pugante
- 1952 -Neneng Ko
- 1953 -Pagsikat ng Araw
- 1953 -Highway 54
- 1953 -Kambal na Lihim
- 1953 -Walang Hanggan
- 1953 -Tampalasan
- 1953 -Makabuhay
- 1953 -Tinig ng Bayan
- 1954 -Parole
- 1954 -Pusong Ginto
- 1954 -Eskandalosa
- 1954 -Buntot Page
- 1954 -Brilyanteng Putik
- 1954 -Mr. Dupong
- 1954 -Multo sa Opera
- 1954 -At sa Wakas
- 1955 -Ito ang Aming Daigdig
- 1955 -Divisoria...Quiapo...
- 1955 -Magia Blanca
- 1956 -Saigon
- 1956 -Katawang Lupa
- 1956 -Montalan Brothers
- 1956 -Huling Mandirigma
- 1956 -The Treasure of Gen. Yamashita
- 1957 -Bicol Express
- 1957 -Familia Alvarado
- 1958 -Zorina
- 1958 -Mga Liham kay Tia Dely
- 1958 -Obra-Maestra
- 1958 -Matandang Tinale
- 1958 -4 na Pulubi
[baguhin] Bilang Direktor sa Pelikula
- 1948 -Sierra Madre
- 1949 -Kayumanggi
- 1953 -Tampalasan
- 1954 -Parole
- 1954 -Mr. Dupong
[baguhin] Trivia
- alam ba ninyo na si Leopoldo ang tinaguriang The Great Profile sa Historya ng Pelikulang Pilipino
- alam ba ninyo na nagkaroon siya ng pelikulang Mr. Dupong dahil ang kanyang kulay ay Purong-Kayumanggi.