Lito Anzures
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Lito Anzures ay isang artistang Pilipino. Sa inilagi niya sa pelikula di hindi siya naging bida pero naging kilala siya bilang kontrabida ng pelikulang Pilipino.
Sa Premiere Productions siya nakontrata at halos sabay sila ni Ruben Rustia sa pagpasok sa pelikula dahil sabay rin silang unang lumabas sa Taga-ilog noong 1951. Napansin din siya sa pelikulang Sisa ni Anita Linda noong 1951 bilang Elias.
Siya ay isinilang noong 1926. Nakatanggap na rin siya ng di mabilang na parangal sa kanyang mga pelikula. Lalo siyang minahal dahil sa papel niyang sintu-sinto noong 1975 na Ang Pinakamagandang Babae sa Balat ng Lupa ni Gloria Diaz.
[baguhin] Pelikula
- 1951 - Taga-ilog
- 1951 - Sisa
- 1952 - Malolos
- 1952 - Bakas ng Kahapon
- 1952 - Trubador
- 1952 - Sawa sa Lumang Simboryo
- 1954 - Salabusab
- 1954 - 3 Sisters
- 1954 - Pedro Penduko
- 1955 - D 1-13
- 1955 - Pangako ng Puso
- 1955 - El Jugador
- 1955 - Sagrado
- 1955 - Dakilang Hudas
- 1955 - 7 Maria
- 1956 - Babaing Mandarambong
- 1956 - El Conde de Monte Carlo
- 1956 - Taong Putik
- 1956 - Mrs. Jose Romulo
- 1957 - Don Cobarde
- 1957 - Laki sa Layaw
- 1958 - Ramir
- 1958 - Impiyerno sa Paraiso