Richard Abelardo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Richard ay kilala rin siya bilang Ric Abelardo at siya ay isa sa mga ipinagmamalaking direktor ng LVN Pictures. Ginawa niya ang unang pelikula niya sa pagdirihe ng Malikmata noong 1948 sa ilalim ng Fernando Poe Pictures.
Hanggang sa kinontrata siya ng LVN Pictures para palagiang magdirihe roon ng malalaking pelikula tulad ng El Diablo ni Leopoldo Salcedo, ang Prinsesa Basahan ni Tessie Quintana, Mutya ng Pasig ni Rebecca Gonzalez, Nuno sa Punso ni Jaime dela Rosa
Nakagawa rin siya ng mga komedya tulad ng Doctor X ni Pugo, Big Shot nina Nestor de Villa at Charito Solis, Conde de Amor ni Val Castelo at Si Meyor Naman ni Luisa Montesa. Bagamat kontratado ng LVN nakagawa siya ng isang pelikula sa Premiere Productions ito ang Doble Cara na pinangunahan nina Rogelio dela Rosa at Nena Cardenas.
Nakapagdirihe rin siya ng isang Kathang-isip na agham (sci-fi) na ang tema ang Zarex kung saan pinagbidahan ni Willie Sotelo.
[baguhin] Kapanganakan
[baguhin] Lugar ng Kapanganakan
[baguhin] Pelikula
- 1948 - Malikmata
- 1949 - El Diablo
- 1949 - Prinsesa Basahan
- 1950 - Mutya ng Pasig
- 1950 - Nuno sa Punso
- 1950 - Doble Cara
- 1950 - Doctor X
- 1951 - Shalimar
- 1951 - Haring Cobra
- 1953 - 3 Labuyo
- 1954 - Krus na Bakal
- 1955 - Mariang Sinukuan
- 1955 - Anak ng Berdugo
- 1956 - Big Shot
- 1956 - Higit sa Korona
- 1957 - Conde de Amor
- 1957 - Si Meyor Naman
- 1958 - Zarex