Tony Arnaldo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mga nilalaman |
[baguhin] Talambuhay
Si Tony Arnaldo ay isang artistang Pilipino bago pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Unang gumanap sa Excelsior Pictures ang Ibong Sawi na pinangunahan ng baguhang si Jaime dela Rosa.
Gumawa siya ng isang pelikula sa Sampaguita Pictures ang Sa Iyong Kandungan at isa rin sa Premiere Productions ang Probinsiyana nina Rosa del Rosario at Jose Padilla Jr. Subalit talagang nakatakda siya sa bakuran ng LVN Pictures kung saan nakagawa ng humigit kumulang na dalawampung pelikula. Una na rito ang Magkaibang Lahi na pinangunahan ni Ely Ramos, Rogelio dela Rosa at ang Amerikanong si Art Cantrell.
Siya ay namahala rin bilang isang direktor sa LVN ang Anak ng Pulubi ni Armando Goyena, Probinsiyano ni Jaime dela Rosa, Luha at Musika ni Mario Montenegro, Tumbalik na Daigdig nina Nida at Nestor, Tenyente Carlos Blanco, Makabuhay at Tin-edyer nina Armando Goyena at Nida Blanca.
[baguhin] Kapanganakan
[baguhin] Lugar ng Kapanganakan
[baguhin] Pelikula
- 1941 - Ibong Sawi
- 1941 - Sa Iyong Kandungan
- 1946 - Oo Ako'y Espiya
- 1946 - Probinsiyana
- 1947 - Magkaibang Lahi
- 1947 - Ang Himala ng Birhen sa Antipolo
- 1947 - Violeta
- 1947 - Romansa
- 1948 - Huling Dalangin
- 1948 - Hampas ng Langit
- 1948 - Sumpaan
- 1949 - Hiyas ng Pamilihan
- 1949 - Ang Kandidato
- 1950 - Mahal mo ba ako?
- 1951 - Reyna Elena
- 1951 - Anak ng Pulubi
- 1951 - Probinsiyano
- 1952 - Correccional
- 1952 - Tenyente Carlos Blanco
- 1953 - Luha at Musika
- 1953 - Tumbalik na Daigdig
- 1953 - Makabuhay
- 1954 - Tin-Edyer