Val Castelo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Guwapo, matangkad at mestiso kaya siya ay nakuha ng LVN Pictures para ikontrata sa mga pelikula ng nasabing kompanya.
Isinilang noong 1927, si Val ay unang gumanap bilang kaibigin ni Nestor de Villa sa Handang Matodas.
Naging suporta rin siya sa pelikula ng mga Matinee Idol na sina Nenita Vidal at Manding Claro para sa mga pelikulang Puppy Love at Phone Pal.
Isinama rin siya kina Sylvia La Torre sa isang pampamilyang komedya ang Sebya, Mahal Kita na hango sa isang palatuntunan sa radyo.
Naging kaagaw siya ni Leroy Salvador sa pag-ibig ni Charito Solis sa Tiririt ng Ibon at hanggang naging bida siya sa pelikulang Hiwaga ng Pag-ibig kung saan itinambal siya kay Lita Gutierrez
[baguhin] Pelikula
- 1956 - Handang Matodas
- 1956 - Puppy Love
- 1957 - Phone Pal
- 1957 - Sebya, Mahal Kita
- 1957 - Tiririt ng Ibon
- 1957 - Nasaan ka Irog?
- 1958 - Hiwaga ng Pag-ibig
- 1958 - Casa Grande