Biñan, Laguna
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Biñan. | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | CALABARZON (Region IV-A) |
Lalawigan | Laguna |
Distrito | Ika-1 na Distrito ng Laguna |
Mga barangay | 24 |
Kaurian ng kita: | Ika-1 Klase |
Alkalde | |
Mga pisikal na katangian | |
Populasyon
Kabuuan (2000) |
201,186 |
Ang Bayan ng Biñán ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Mula sa Kalakhang Maynila, ang Biñan ay mararating sa pamamagitan ng South Luzon Expressway. Ang Biñan ay naging parehong pamayanang urban ng Kalakhang Maynila at ang lugar ng pinakamamalaking industiya at isang export processing zone sa Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, mayroon itong populasyon 201,186 sa 42,307 kabahayan.
Ang Biñan ay ang ikalawang bayan na madadaanan mula sa Kalakhang Maynila patungong Timog. Ang bayan ng Biñas ay kasama sa tatlong bumubuo sa unang distrito ng Laguna.
Mga nilalaman |
[baguhin] Mga Barangay
Ang bayan ng Biñan ay nahahati sa 24 na mga barangay.
|
|
[baguhin] Kasaysayan
Ang pangalang ng bayan ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang "binyagan". Natuklasan ng mga Kastila ang Biñan noong huling bahagi ng Hunyo 1571, isang buwan pagkatapos itatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila ayon sa mga matatandang kasulatan.
Noong 1769, ang kabiserang panlalawigan ay inilipat mula Bay patungong Pagsanjan, ang Biñan ay inihiwalay sa Bay at naging bahagi ng Santa Rosa. Noong 1771, noong panahon ni Pablo Faustino, ang Biñan ay inihiwalay mula sa Santa Rosa at naging isang bayan.
Ayon sa kasaysayan, ang Biñan ay kilala sa buong bansa dahil sa pagkakasali nito sa aklat ng talambuhay ni José Rizal, ang pambansang bayani. Sinasabi na tumira si Jose Rizal malapit sa mismong bayan noong kabataan pa niya at nakapag-aral sa isang paaralang matatagpuan dito. Ang pangalan ng paaralan na pinasukan ni Jose ay hindi alam. Sa pag-alala kay Jose Rizal, isang plake ng pagkilala ang inilagay kung saan siya nanatili. Isang monumento naman ang itinayo sa gitna ng plaza ng Biñan, para ipaalala na minsan ay naging bahagi ng bayan ang pambansang bayani.
[baguhin] Ekonomiya
Ang Biñan ay kilalang sentro ng kalakalan sa mga kalapit nitong mga bayan sa katimugan tulad ng mga bayan ng San Pedro, Santa Rosa, Carmona, Silang at Heneral Mariano Alvarez. Kadalasan ang mga tindero sa mga palengke ng bayang kalapit nito ay dumadayo dito upang bumili ng kanilang paninda.
Isang pangkaraniwan na tanawin dito ay ang nga naghahanda at nag-aayos ng mga patinda sa kanila kanilang mga pwesto, ang iba pa nga ay sa mga kalsada at eskinita pa nagtitinda, isa pa ay ang pagdating ng mga dyip at trak na may dala-dalang iba't ibang uri ng prutas, gulay, mga produktong gawa sa mantikilya, karne, isda, asukal atbp. Ang palengke ng Biñan ay halos bukas 24 oras na ang oras nagdagsaan ay tuwing umaga (5:00 - 8:00 NU) dahil kilala ang mga Filipino na maaga nagsisimulang maghanapbuhay pagkat nais nilang iwasan ang matinding sikat ng araw sa tanghali.
Kilala rin ang bayan na sa paggawa ng mga masasarap na kakanin na may mga sahog sa ibabaw nito (Puto Biñan). Ang pinakakilalang gumagawa ng Puto sa Biñan ay matatagpuan sa barangay San Vicente.
[baguhin] Edukasyon
Ang Biñan ay kinikilala na ring sentro ng edukasyon sa unang distrito ng Laguna, dahil ito ang may pinakamaraming bilang ng mataas at mababang paaralan sa lugar. Ang mga kilalang mga paaralan na matatagpuan sa bayan ay ang sumusunod:
-
- Brent International School
- Colegio San Agustin, Biñan
- University of Perpetual Help Biñan
[baguhin] Mga Kawing Panlabas
Lalawigan ng Laguna | ||
Lungsod | Lungsod ng Calamba | Lungsod ng San Pablo | Lungsod ng Santa Rosa | |
---|---|---|
Bayan | Alaminos | Bay | Biñan | Cabuyao | Calauan | Cavinti | Famy | Kalayaan | Liliw | Los Baños | Luisiana | Lumban | Mabitac | Magdalena | Majayjay | Nagcarlan | Paete | Pagsanjan | Pakil | Pangil | Pila | Rizal | San Pedro | Santa Cruz | Santa Maria | Siniloan | Victoria | |
Distrito | 1st District (West) | 2nd District (Central) | 3rd District (Southeast) | 4th District (Northeast) | |
Special Zones | Canlubang Industrial Zone | Makiling Forest Reserve | Los Baños Science and Nature City of the Philippines | View | Edit |