Gaudencio Kardinal Rosales
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Gaudencio Borbon Kardinal Rosales (ipinanganak Agosto 10, 1932 sa Lungsod ng Batangas, Batangas) ay isang obispo ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Sinundan niya si Jaime Cardinal Sin upang makapaglingkod bilang Arsobispo ng Maynila. Parehong hinahawakan ni Rosales ang mga titulong Metropolitan at Primate ng Pilipinas. Siya lamang ang ika-apat na katutubong Filipinong Arsobispo ng Maynila — pagkatapos na pamunuan ito ng Kastila, Amerikano at Irish sa mga nakaraang daang-taon.