La Trinidad, Benguet
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng La Trinidad. | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | |
Lalawigan | |
Distrito | |
Mga barangay | 8 |
Kaurian ng kita: | Ika-1 na Klase |
Alkalde | |
Mga pisikal na katangian | |
Populasyon
Kabuuan (2000) |
67,963 |
Ang Bayan ng La Trinidad ay isang ika-4 klaseng bayan sa lalawigan ng Benguet, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 67,963 sa 13,658 na kabahayan.
[baguhin] Heograpiya at Klima
Ang bayan ng La Trinidad ay nasa 3 km hilaga ng Lungsod ng Baguio at nasa 256 km hilaga ng Maynila. Ito ay naghahanggan sa bayan ng Tublay sa hilaga, ng Baguio sa timog, at ng Sablan at Tuba sa kanluran.
Ang bayan ay may kabuuang sukat na 8273.80 ektarya, na bumubuo sa 3.16% ng luapin ng lalawigan. Ang lupain ay mabundok na may mga bukal, mga ilog at mga bangin. Ang taas ng lambak ng La Trinidad ay nasa 1300 metro sa taas ng lebel ng dagat.
[baguhin] Mga Barangay
Ang Bayan ng La Trinidad ay nahahati sa 16 na mga barangay. Ang pinakamalaking mga barangay ay ang Wangal (1,116 ektarya), Puguis (1,021.82 ektarya), at Alno (958.35 ektarya). Ang pinakamaliit na barangay ay ang barangay ng Cruz (56.69 ektarya).
|
|