Palarong Asyano
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Palarong Asyano, tinatawag ding na Asiad, ay isang kaganapan ng maraming palaro at ginaganap bawat apat na taon sa mga Atleta sa buong Asya. Ang palaro ay binabantayan ng Kagawaran ng Olympic ng Asya (OCA) sa ilalim ng pamamahala ng Kumite ng Internasyunal na Olympic (IOC). Ang mga medalya ay ginagawad sa bawat kaganapan, na ginto ang sa Unang Nanalo, pilak sa ikalawa at tanso sa ikatlo, isang kaugalian na nagsimula pa noong 1951. Ang Palarong Asyano ay dominante ng Tsina.
Ang mga manlalaro ay pumapasok sa pamamagitan ng Pambasang Kumite sa Olympic (NOC) na tatayo para sa bansang kanilang kinabibilangan. Ang pagpapatugtog ng Pambansang Awit at pagtatas ng watawat ay ginaganap tuwing gawaran ng medalya, at ang pagtatala ng bilang ng medalya ay malakang ginagamit.