Q (network pangtelebisyon)
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
QTV Network | |
Uri | Broadcast television network |
---|---|
Bansa | ![]() |
Availability | National |
Tagapagtatag | Eddie Villanueva |
May-ari | GMA Network, Inc. |
Mga mahahalagang tao | Eddie Villanueva, Chairman, ZOE-TV Felipe Gozon CEO, GMA Network |
Inilunsad | Nobyembre 11, 2005 |
Websayt | QTV.com.ph |
Ang Q, dating kilala bilang Quality TeleVision (QTV), ay isang television network ng GMA Network, Inc. Ang network ay nabuo nang ang GMA at ang ZOE Broadcasting Network ay nagkaroon ng kasunduan na iparenta ang buong airtime block punong himpilan ng ZOE-TV, ang DZOE-TV Channel 11.
Ang Q ay nagsasahimpapawid ng mga programa para sa mga kababaihan at kanilang mga suliranin.
Mga nilalaman |
[baguhin] Pinagmulan
[baguhin] ZOE Broadcasting Network
- Pangunahing artikulo: ZOE Broadcasting Network
Ang network ay nabuo nang makuha ng dalawang maimpluwensyang groupong pangrelihiyon na kinabibilangan ng El Shaddai sa pangunguna ni Bro. Mike Velarde at ang Jesus Is Lord Movement ni Bro. Eddie Villanueva noong kalagitnaan ng dekada 90.
[baguhin] Citynet Television
- Pangunahing artikulo: Citynet Television
Ang GMA Network ay sinubukang sumanga sa pagsasahimpapawid sa UHF sa pamamagitan ng Citynet Television 27 noong 1995. Dahil ang pangunahing kalaban nito ang Studio 23 ng ABS-CBN, ang bagong himpilan ay mayroon ring mga programa galing sa Estados Unidos. Noong 1999, ang Star TV ay nay nagkaroong ng kasunduan sa Citynet para sa pagpapalabas ng Channel V Philippines. Dahil sa kawalan ng kita, ipinasara ang Citynet noong Pebrero 2001.
[baguhin] Blocktime agreement
Sa unang bahagi ng 2005, nagkaroon ng kasunduan ang Citynet at ZOE-TV nang iparenta nila ang buong airtime block ng kanilang pangunahing himpilan, ang DZOE-TV 11. Kapalit nito ang pag-aupgrade ng mga pasilidad ng ZOE at ang pagpapalabas ng mga programa nito sa GMA Network tuwing hatinggabi ng Lunes pagkatapos ng kanilang panglinggong primetime TV block.
Ang himpilan ng Q sa Kalakhang Maynila ay gumagamit ng 120kW na transmitter tower na matatagpuan sa Tadang Sora, Lungsod Quezon, ang parehong transmitter na ginagamit ng GMA-7.
Noong Marso 18, 2007, binago nila ang kanilang pangalan bilang "Q".
[baguhin] Programming
- Pangunahing artikulo: Tala ng mga palabas ng Q
Ang Q ay gumagawa ng mga palatuntunan na tumutugon sa pamilyang Pilipino. Ang karamihan sa kanilang mga palabas ay para sa mga Pilipinong kababaihan at ito ay ginawa ng GMA Network. Tuwing umaga, ang mga palabas ng Q ay galing sa ibang bansa na dating ipinalabas sa GMA. Ang sumusunod any ang kasalukuyang primetime line-up (7:30 - 10:30 PM) ng kanilang pangunahing himpilan.
Day | 7:30 | 7:45 | 8:00 | 8:15 | 8:30 | 8:45 | 9:00 | 9:15 | 9:30 | 9:45 | 10:00 | 10:15 | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Linggo | Popstar Kids << nagsisimula ng 07:00 pm |
May Trabaho Ka | Sunday Super Sine natatapos ng 11:00 pm >> |
|||||||||||
Lunes | Love Contact | All About Eve | H30: Ha Ha Ha Over | News on Q | Sapulso natatapos ng 11:00 pm >> |
|||||||||
Martes | Extreme Makeover | Sana'y Muling Makapiling natatapos ng 11:00 pm >> |
||||||||||||
Miyerkules | The Ricky Lo Exclusives | RX Men natatapos ng 11:00 pm >> |
||||||||||||
Huwebes | Here Comes The Bride | Women's Desk natatapos ng 11:00 pm >> |
||||||||||||
Biyernes | Stars on Ice | Balik-Bayan natatapos ng 11:00 pm >> |
||||||||||||
Sabado | Ay, Robot! | Day Off | Sabado Showdown natatapos ng 11:00 pm >> |
Legend | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|
Komedya | Drama | Palaro at mga variety show | Pantasya | Pampelikula | Balita, talakayan at infotainment | Palabas galing sa ibang bansa |
[baguhin] Kompetisyon
Ang pangunahing kalaban ng himpilang ito sa Kalakhang Maynila ay ang Studio 23 ng ABS-CBN. Sa mga unang buwan ng paglunsad ng Q, sila ang himpilan ng telebisyon na pangatlong pinakamataas sa ratings sa Mega Manila. Tinalo nito ang ABC-5. Ngunit simula nang ilunsad ang himpilang ito, ang SkyCable, isa sa mga sangay ng ABS-CBN ay hindi binigyan ng channel designation ang Q sa kanilang lineup.
[baguhin] Mga islogan
- Kwento Natin 'to: Unang islogan ng QTV nang ito ay inilunsad
- Cool ka Q!: islogan ng QTV noong tag-init ng 2006
- Mega to the Max ang May: islogan ng QTV noong Mayo 2006
- Thank You Ka-Q, Isang taon na tayo!
- 'Something Better is Waiting For You! Be On Q- Islogan ng Q nang baguhin nila ang kanilang pangalan noong Marso 2007
[baguhin] Mga Kaugnay na artikulo
[baguhin] Kawing panlabas
Mga nangungunang network: ABS-CBN Broadcasting Corporation • Associated Broadcasting Company • GMA Network Inc. Mga network na pagmamay-ari ng estado: Intercontinental Broadcasting Corporation • National Broadcasting Network • Radio Philippines Network Iba pang network: ACQ-Kingdom Broadcasting Network • Progressive Broadcasting Corporation • Q (network pangtelebisyon) • Radio Mindanao Network • Rajah Broadcasting Network • Southern Broadcasting Network • Studio 23 • ZOE Broadcasting Network |