Sandara Park
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Sandara Park (ipanganak, 박산다라, Nobyembre 12, 1984 sa Busan, Timog Korea) ay isang artistang Koreana na sumikat sa Pilipinas dahil sa pagkapanalo sa Star Circle Quest, isang reality-based na palabas sa telebisyon ng ABS-CBN na layon na maghanap ng mga bagong talento.
Mga nilalaman |
[baguhin] Personal na impormasyon
Ipinanganak si Park sa parehong Koreanong magulang, at di sila marunong magsalita ng Ingles o Tagalog. Isang negosyante ang tatay ni Park, ngunit noong 8 taong gulang na siya, nalugi ang kumpanya ng kanyang tatay. Permanenteng nanirahan sila sa Pilipinas noong 1995. Natuto siyang mag-Ingles at Tagalog sa Pilipinas. Bilang pinakamatanda sa magkakapatid, siya ang nag-aalaga sa kanyang dalawang nakakabatang kapatid. At dahil dito, sumali siya sa Star Circle Quest. Sumikat siya nang husto sa kanyang tanyag na "Sandara Wave" na may kasamang "Mahal ko kayo". Mahilig siyang tawaging Krung Krung ng kanyang mga tagahanga at kaibigan.
[baguhin] Karera
Pagkatapos niyang manalo sa Star Circle Quest, binigyan siya ng ABS-CBN ng isang palabas na pinamagatang Sandara's Romance. Naging ka-love team niya si Hero Angeles na dating kalahok din sa Star Circle Quest. Ilan sa mga nagawang proyekto ni Park na kasama si Angeles ang teleseryeng Krystala na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos, SCQ Reload: OK Ako! at mga pelikulang Bcuz of U at Can This be Love na labis na kumita sa takilya.
Nakabenta ng higit sa 60,000 kopya ang kanyang unang album na pinamagatan ng kanyang pangalan. Nakamit nito ang double platinum na estado. Ang mga single na "In or Out" at "Walang Sabit" ang mga pinakasikat sa awitin sa kanyang unang album.
Pagkatapos ng kanyang pelikulang Can This be Love, pansamantalagang tumira muna si Sandara sa Timog Korea para magsanay lalo ng kanyang talento. Umabot ito ng limang buwan bago siya nakabalik uli sa Pilipinas.
Noong nakabalik na siya sa Pilipinas at patuloy na tinatangkilik ng kanyang mga taga-hanga, may bago na siyang ka-love team na si Joseph Bitangcol na kalahok din dati sa Star Circle Quest. Isa sa mga proyekto niya sa kanyang pagbalik ang ASAP Fanatic sa telebisyon at ang pelikulang D' Lucky Ones na kasama si Joseph Bitangcol, Pokwang, at Eugene Domingo.
[baguhin] Credits
[baguhin] Pelikula
- Atang's Family (inanusyo)[1]
- Krung Krung (inanunsyo)[2]
- Super Noypi (2006)
- D' Lucky Ones (2006)
- Can This Be Love (2005)
- Bcuz of U (2004)
- Volta (2004) (cameo)
[baguhin] Telebisyon
- Crazy For You (2006)
- Voltes V: Evolution (2006)
- Komiks: "Machete" (2006)
- Farewell Lovers: A "Lovers In Paris" Special (2005)
- Krystala (2004)
- SCQ Reload OK Ako (2004)
- Star Circle Quest (2004)
[baguhin] Diskograpiya
- Sandara Park: Ang Ganda Ko (2006)
- Sandara Park: Walang Sabit (2005)
- Sandara Park (album) (2004)
[baguhin] Lingks palabas
- Loving Sandara Park, fansite na may profayl, trivya, at mga retrato
- Sandara Park sa The Internet Movie Database