Software
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Tumutukoy ang software pangkompyuter (o software) sa isa o higit pa na mga computer programs at datos na nakaimbak sa isang imbakan ng isang kompyuter para sa ilang layunin. Ginagampanan ng program software ang mga tungkulin isinakatuparan ng program, sa pamamagitan ng diretsong pagbigay ng mga utos sa hardware ng kompyuter o sa pamamagitan ng pagiging input sa isa pang software. Umiiral ang data software para gamitin ng ibang program software sa kalaunan.
Unang ginamit ang katagang software sa ganitong kaisipan ni John W. Tukey noong 1957; sa kolokyal na pananalita, kadalasang ginagamit ang kataga upang tukuyin ang application software. Sa agham pangkompyuter at software engineering, ang computer software ay ang lahat ng prinosesong impormasyon sa pamamagitan ng mga sistema ng kompyuter, program at datos.
Kadalasang pinagkakaiba ang software sa hardware ng kompyuter, na ang pisikal na tirahan na kung saan naroon ang software.