Agustin Fabian
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
}
Si Agustin Caralde Fabian (Agosto 15, 1901-1976) ay isa sa kinikilalang haligi ng panitikan ng Pilipinas. Sa Filipino man o sa Ingles, na higit na kilala ng mga mambabasa sa kanyang mga sagisag na Angel Fernandez, M.S. Martin, Felicisimo Correz, Augusto E. Fuentes, F. Bani, at Pilar Buendia. Sa mga kapwa manunulat, malimit na tinatawag siyang ”Ba Maltin.” Editor ng Lingguhang Graphic bago sumiklab ang Iklawang Digmaaang Pandaigdig, naging general manager siya ng Liwayway Publications Inc. pagkatapos ng digma hanggang sa kanyang pagretiro sa unang bahagi ng dekada sisenta. Ilan sa mga sinulat niyang nobela ay Timawa, Maria Marcedes, Sino Ako? Mga Dayupay, Basta Mayaman, Hindi Man Hanapin, Magbayad Ka! Ana Malaya, Ginoong Salapi at Limatik.
Kabilang sa mahahalagang gawad na ipinagkaloob sa kanya ang Pro Patria, pampanguluhang gawad sa panahon ng Pangulong Carlos P. Garcia para sa namumukod na mga Filipino noong 1961. Gayundin ang Gawad Quezon sa Panitikan na kaloob ng Panitik ng Kababaihan noong 1971.
[baguhin] References
Timawa, 1990 (Unang Limbag), Ateneo De Manila University Press, ISBN 971-550-008-0.