Blogger
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Maaari din na tumukoy ang katagang "blogger" sa kahit sinuman na nagpapanatili ng isang blog, isang kumpanyang pag-aari ng Google.
Ang Blogger, isang katagang nilikha ng Pyra Labs, ay isang serbisyo na nagbibigay ng kagamitang pang-Web na ginagamit ng mga indibiduwal upang ilathala sa Web. Ngayon, Google na ang nagmamay-ari sa Pyra Labs.
Ang kagamitang Blogger ay nagbibigay serbisyo upang madaling makagawa ng weblog. Di na kailangan ng isang gagamit nito na sumulat ng kahit anumang code or mag-alala tungkol sa pag-install ng mga server software o script. Ngunit, maaari pa rin malayang ma-impluwensiyahan ng isang gagamit ang desenyo ng kanyang blog.
Tumatanggap din ang Blogger ng pag-host ng mga blog sa kanyang sariling Blogspot o kaya sa server ng pinili ng blogger (sa pamamagitan nga FTP o SFTP).