Bulkang Mayon
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Bulkang Mayon | |
---|---|
Mayon Volcano on 23 September 1984 |
|
Elebasyon | 2,463 metres (8,077 feet) |
Lokasyon | Albay, Philippines |
Koordinayts | 13° 15′ 24″ N 123° 41′ 6″ E |
Uri | Stratovolcano |
Huling pagputok | 2006 (Patuloy) |
Matatagpuan sa lalawigan ng Albay sa bansang Pilipinas and aktibong Bulkang Mayon. Inihahambing ito sa Fuji ng bansang Hapon dahil sa tila perpekto nitong hugis. Matatagpuan ang Lungsod ng Legazpi ilang kilometro sa timog nito.
Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary1 sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Plipinas.
1lugar kung saan nagkikita ang isang continental plate at isang oceanic plate. Dito tinunulak pababa ng mas magaan na continental plate ang mas mabigat na oceanic plate; Sa pagkatunaw ng bato nabubuo ang magma.
Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa history; ang una ay sa taong 1616, ang pinakahuli ay may katamtamang pagbuga ng lava nuong June 2001. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Mayon ay nuong Pebrero 1, 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang bell tower ng simabahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabao ng lupa. Pyroclastic flows, ang mainit na abo ang nakapatay sa 77 katao, karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon nuong 1993. Sa taong 1984, mahigit 73,000 katao ang pinaalis sa 'danger zones' ayon sa mga scientists ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala naman naulat na may namatay.
[baguhin] Mga kaugnayang palabas
- PHIVOLCS - Opisyal na pahina ng Bulkang Mayon (PHIVOLCS)
- Mayon Volcano - Artikulo ukol sa Bulkang Mayon
- National Disaster Coordinating Council Mga nagaganap sa kasalukuyan ukol sa Bulkang Mayon