Bundok Pinatubo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mount Pinatubo | |
---|---|
![]() Abong ulap ng Pinatubo noong pagputok noong 1991 |
|
Elebasyon | 1,486 metro (4,875 talampakan) |
Lokasyon | Luzon, Pilipinas |
Bulubundukin | Mga bundok ng Zambales |
Koordinayts | 15°7.8′ N 120°21.0′ E |
Uri | Stratovolcano |
Gulang ng Bato | 1.1 milyong mga taon |
Huling pagputok | 1993 [1] |
Ang Bundok Pinatubo ay isang aktibong bulkan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas, sa isang interseksyon ng mga hangganan ng mga lalawigan ng Zambales, Tarlac, at Pampanga. Bago ang 1991, hindi gaanong napapansin ang bundok at mabigat ang erosyon. Makapal ang gubat nito na sinusuportahan ng mga ilang libo na mga katutubong Aeta, na lumikas sa mga patag na lugar patungong mga bundok nang sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas noong 1565.
Dumating kamakailan lamang ang pagputok ng bulkan noong Hunyo 1991 pagkatapos ng 500 taong pagkatahimik, at lumikha na isa sa mga pinakamalaki at pinakamarahas na pagpuputok sa ika-20 siglo. Nagdulot ang matagumpay na prediksyon sa pagputok ng paglikas ng mga libo-libong katao mula sa mga karatig na lugar, na nailigtas ang mga buhay, ngunit nawasak ang mga nasa paligid nito at labis na nasira ng mga pyroclastic flow, mga deposito ng abo, at sa kalunan mga lahar na sanhi ng tubig-ulan na muling ginagalaw ang mga naunang mga deposito ng bulkan. Libo-libong mga bahay ang nasira.
Naramdaman ang epekto ng pagputok sa buong mundo. Nagbigay ito ng maraming aerosol sa stratosphere—mas marami kaysa kahit anong erupsyon simula noong 1883 sa Krakatoa. Nagbuo ang mga aerosol ng isang pandaigdigang sapin ng asido sulpurikong abo sa mga sumunod ng mga buwan. Bumaba ang pandaigdigang temparatura sa mga 0.5 °C (0.9 °F), at nadagdagan ang pagkawasak ng ozone.