Cabuyao, Laguna
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Cabuyao. | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | CALABARZON (Region IV-A) |
Lalawigan | Laguna |
Distrito | |
Mga barangay | 18 |
Kaurian ng kita: | Primera Klase |
Alkalde | Nila G. Aguillo |
Mga pisikal na katangian | |
Populasyon
Kabuuan (2000) |
106,630 |
Ang Bayan ng Cabuyao ay isang primera klaseng munisipalidad sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, may kabuuang populasyon ang bayan na 106,630.
Sa kasalukuyan, ang bayan ng Cabuyao ang pinakamabilis ang pag-unlad sa Laguna, katunayan nito ay ang malaking bilang ng mga migranteng naghahanap-buhay sa mga industriya dito.
Ang Nestlé Philippines at Asia Brewery, Inc. ay parehong matatagpuan sa bayan ng Cabuyao.
[baguhin] Barangay
Ang bayan ng Cabuyao is pulitikal na nahahati sa 18 barangay.
|
|
[baguhin] Kasaysayan
Ang pangalang ginagamit noog ng Cabuyao ay Tabuko, ngunit ito ay nasalin ng mga Kastila bilang Kabuyaw (pinangalan mula sa punong matatagpuan dito).
Pagkatapos ng pag-kolonisa ng Maynila ni Miguel López de Legazpi noong 1570, inutusan niya si Kapitan Juan de Salcedo na sakupin ang lahat ng barangay na nakapalibot sa lawa ng Ba-i, na ngayon ay tinatawag na Lawa ng Bay. Tulad ng Ba-i, na mayaman sa kagubatan at may klimang nababagay sa mga pananim, ang Tabuko ay may malawak na kapatagan at inihayag ni Legazpi na ang Tabuko ay gawing encomienda o bayan sa ilalim ni Gaspar Ramirez.
Ang bayan ng Tabuko ay malapit sa gilid ng isang ilog at lawa ng Ba-i at ang mga bangka ang naging pangunahing transportasyon sa bayan. Maraming puno noon ng kabuyaw na tumutubo sa lugar. ang bunga ng kabuyaw ay ginagamit bilang syampu. Kaya nang itanong ng Kastilang mga pari kung ano ang pangalan ng lugar, ang mga katutubong kababaihan ay sinagot ito ng "kabuyaw", na akala ay ang tinatanong nito ay ang mga punong tumutubo as lugar. Simula noon, ang mga pari at mga opisyal na Kastila ay tinawag ang Tabuko bilang Kabuyao.
[baguhin] Kawing Panlabas
Lalawigan ng Laguna | ![]() |
|
Lungsod | Lungsod ng Calamba | Lungsod ng San Pablo | Lungsod ng Santa Rosa | |
---|---|---|
Bayan | Alaminos | Bay | Biñan | Cabuyao | Calauan | Cavinti | Famy | Kalayaan | Liliw | Los Baños | Luisiana | Lumban | Mabitac | Magdalena | Majayjay | Nagcarlan | Paete | Pagsanjan | Pakil | Pangil | Pila | Rizal | San Pedro | Santa Cruz | Santa Maria | Siniloan | Victoria | |
Distrito | 1st District (West) | 2nd District (Central) | 3rd District (Southeast) | 4th District (Northeast) | |
Special Zones | Canlubang Industrial Zone | Makiling Forest Reserve | Los Baños Science and Nature City of the Philippines | View | Edit |