Darna
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mga iba't-ibang bersyon ng pelikulang Darna Darna (1951) Darna at ang Babaing Lawin (1952) Isputnik Vs. Darna(1963) Darna at ang Babaing Impakta(1965) Darna at ang Babaing Tuod 966)) Darna and the Planetman (1969) Lipad, Darna, Lipad (1973) Darna & the Giants (1974) Darna VS The Planet Women (1976) Darna Kuno (1978) Darna at Ding (1979) Bira, Darna, Bira (1980) Darna (1981) (TV Series) Darna (1991) Darna ang Pagbabalik (1993) Darna (2005) (TV Series)
Si Darna ay isang tauhan ng Pinoy Komiks na nilikha at binigyang buhay ng natikang Pilipinong Manunulat na si Mars Ravelo noong dekada 50s. Isang tunay na Super Pinoy Hero na lubos na kinasabikan, pinuri, kinaluguran at pinanabikan ng sambayang Pilipino dahil sa taglay niyang lakas, ganda at karisma sa madla.
Ang orihinal Darna ay isang batang pilay (Mila Nimfa) na lumaki sa hirap na nakapulot ng isang batong bulalakaw mula sa kalawakan, at kapag ito ay kaniyang nilunok ay nagiging isang ganap na maskuladang babae (Rosa del Rosario) na tagapagtanggol ng mga naaapi.
[baguhin] Rosa del Rosario (1951-1952)
Ang kauna-unahang Darna ay ginampanan ng isang mestisang kana na si Rosa del Rosario, siya ay unang gumanap noon sa ilalim ng Royal Films na pagmamay-ari ng nasirang si Fernando Poe, Si Valentina ang orihinal na kalaban ni Darna at ang babaing ahas na ito ay muling nakalaban niya pagkalipas ng dalawang dekada sa pagitan ng 1951 hanggang 1973 na ginampanan naman ni Celia Rodriguez sa pelikula ni Vilma Santos kung saan iya gumanap sa kauna-unahang pagkakataon.
Mula sa pasalin-saling bersyon ng Darna, ang orihinal na Darna ay may dalawang katauhan, ito ay si Narda na ginampanan ni Mila Nimfa noong 1951, at si narda ay isang pilay na lumalakas lamang at nagbabagong anyo at nagiging si Rosa del Rosario kapag nilulunok na niya ang bato.
Pagkaraan ng isang taon ang naturang bida ay nasundan kung saan si Rosa del Rosario din ang gumanap na bida at sa pagkakataong ito ay isang Babaeng Ahas an kanyang kalaban na ginampanan naman ni Elvira Reyes.
[baguhin] Liza Moreno (1963)
Pagkatapos ng pelikulang iyon ay labing-isang taon ang lumipas na inakala na ng tao ay doon na nagtapos ang tagapagligtas ng mga mahihirap at naaapi, muling binigyang buhay ng isang artistang mula sa LVN Pictures na si Liza Moreno ang papel ng isang Darna at sa pagkakataong ito ay makaaksagupa niya ang isa pang baabeng bida ng kalawakan na si Isputnik na ginampanan naman ng isa pang artista ng LVN Pictures na si Nida Blanca.
[baguhin] Eva Montes (1965-1966)
Tumabo ang pelikula sa takilya at sa pagkakataong ito ay hindi na si Liza Moreno ang gumanap kundi ang isang baguhang artista sa katauhan ni Eva Montes na isa ring maskulada. Dalawa ang kanyangnagawang pelikula na pinilahan ng mga tao ang katatakutang Darna at ang Babaing Impakta na ginampanan naman ni Gina Alonzo at ang isnag bersyon niyang Darna at ang Babaing Tuod.
[baguhin] Gina Pareno (1969)
Pagkatapos ng Darna na ginampanan ni Eva Montes ay lumipas muna ang dalawang taon bago isinilang ang panibagong Darna na gaganap sa katauhan ng isang artistang galing sa Sampaguita Pictures na si Gina Pareno.
Bukod sa taas , puti, kaseksihan at may pagka-mestisang kana, si 'Gina' ay umakma para gumanap sa pelikulang Darna at ang Planetman na noong huling dekada 60s, ang mga tao ay nahihilig at binabantayan ang pagpunta sa ng tao sa buwan.
Sa pelikulang ito ay kalaban ni Darna] at mga taga-ibang planeta kung saan dapat niyang ipagtanggol ang mundo laban sa mga estranghero pilit sakupin ang mundo.
[baguhin] Vilma Santos (1973-1979)
Lumipas ang apat na taon at muling isinilang ang isang artista na gaganap sa panibagong hamon laban sa kasamaan. Noon ay 19 anyos pa lamang si Vilma Santos at ayaw pa niyang tumanggap ng mga pelikulang may pagkaseksi subalit ng mabasa niya ang kanyang makakalaban ay pawang mga premyadong aktres ng dekada 50s at 60s.
Sa pelikulang ito ay nakipagsagupa siya sa isang Aswang na ginampanan ng magandang si Gloria Romero kung saan ang pinakahihintay na eksena ay ang pagpapambuno nila sa taas ng Krus ng Simbahan.
Sa pelikulang Lipad, Darna, Lipad ang mga nakalaban ni Darna noong una na isang Babaeng Impakta (1965), isang Babaeng Lawin (1952) at isang Babaeng Ahas (1951) ay pinagsama-sama sa pelikulang ito na bagay na pinakahintay at talagang pinilahan ng mga tao ang napakagandnag bersyon na ito ng Darna.
[baguhin] Dolphy (1978)
Ang bersyong ito ng Darna ay isang katatawanan, sapagkat ito ay ginampanan ng komedyanteng si Dolphy. Ang pelikulang ito ay gawa ng Regal Films at ginampanan din ni Lotis Key ang papel na Darna
Ang pelikulang ito ay halos tumabo rin sa takilya dahil ang Darna dito sa kuna-unahang pagkakataon ay isang binabae.
[baguhin] Rio Locsin (1980)
Pagkatapos ng pamamayagpag at matagumpay na pagkakaganap ni Vilma Santos bilang Darna, mayroon na namang ibang babeng sumulpor upang gumanap at ito ay si Rio Locsin..
Kung may Darna meron din na isang Ding, at ang gumanap dito ay ang batang paslit na si Romnick Sarmenta. Ang pelikulang ito ay mula sa MBM Film Productions at ipinalabas noong 1980.
[baguhin] Lorna Tolentino (1981)
Pagkatapos ng pagkakaganapni Rio Locsin sa pelikula ay isang kauna-unahang bersyon naman ang nilikha at ito ay ipinalabas sa RPN 9 kung saan ginampanan ng bagong Darna na mula naman sa telebisyon na si Lorna Tolentino.
[baguhin] Nanette Medved (1991)
Eksaktong sampung taon o mahigit isang dekada ang lumipas, ang Reyna ng himpapawid na si Darna ay muling namayagpag sa ere at ito ay binigyang buhay naman ng isangseksing artista sa katauhan ni Nanette Medved.
Ang bersyon ng pelikulang ito ay pinamahalaan ni Joel Lamangan at ang kaniyang nakalaban dito ay isang Babaeng Impakta na ginampanan naman ni Bing Loyzaga at isang Babaeng Ahas na ginampanan naman ni Pilar Pilapil.
Dito ginampanan ni Nanette Medved ang isang modelo na lingid sa kaalaman ng lahat na siya pala ang Darna, at si Ding naman na ginampanan ng dating miyembro ng Smokey Mountain (banda) an si Tony Lambino.
[baguhin] Anjanette Abayari (1993)
Ang naturang bersyon na ito ng Darna ay tinatayang may pinakamababang nakuhang kita sa takilya. Ang pelikulang Darna Ang Pagbabalik ay tumatalakay tungkol noon na nangyari sa Bundok ng Pinatubo kung saan nililigtas niya ang mga tao laban sa Lahar.
Ang pelikulang ito ni Anjanette Abayari na gumanap bilang Darna ay kulang sa inaasahang aksyon ng mga tao na dating ginagawa ng isang Bida sa himpapawid.
[baguhin] Angel Locsin (2005)
Taong 2005 ng mabili ng GMA Network ang karapatan para isahimpapawid ang makabagong bersyon ng Darna kung saan ang bata at seksing si Angel Locsin ang gaganap.
Sa bersyong pang-telebisyon na ito ay makakasagupa niya ang reyna ng ahas na si Alessandra de Rossi kung saan pinakahihintay ng mga tao ang eksenang iyon.
Sa telebisyon, ginawa ng GMA Network ang teleseryeng 'Darna' at binago nila ng kaunti ang orihinal na lathala ni Mars Ravelo.
[baguhin] Iba Pang Gumanap na Darna
- Lotis Key - para sa pelikulang Darna Kuno
- Brenda del Rio - para sa pelikulang Darna Kuno
- Sharon Cuneta - para sa pelikulang Captain Barbell (1988)
- Regine Velasquez - para sa pelikulang Captain Barbell (2003)
[baguhin] Edad ng Artista ng Gampanan ang Darna
- 19 anyos - Vilma Santos
- 20 anyos - Angel Locsin
- 21 anyos - Lorna Tolentino
- 22 anyos - Sharon Cuneta
- 23 anyos - Gina Pareno
- 23 anyos - Nanette Medved
- 24 anyos - Eva Montes
- 24 anyos - Anjanette Abayari
- 26 anyos - Liza Moreno
- 33 anyos - Rosa del Rosario
- 50 anyos - Dolphy