De La Salle University-Manila
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
![]() |
|
Motto | Religio Mores Cultura Christian Achievers for God and Country |
---|---|
Itinatag | 1911 |
Uri | Pribado, Pamantasang Lasalyano |
Pangulo | Br. Armin Luistro FSC |
Location | Maynila, Pilipinas |
Adres | 2401 Taft Avenue, Manila |
Kampus | Urban, 50,400 m² |
Himno | De La Salle Alma Mater Hymn |
Opisyal na Kulay | Luntian at Puti |
Palayaw | La Salle Green Archers |
Maskot | Gordo, Flaco and Sally |
Mga kinabibilangan | AUN, ASEACU, IIC, UAAP, IFCU, PATE, IAU |
Ang Pamantasang De La Salle-Maynila (De La Salle University-Manila o DLSU-M sa wikang ingles) ay isang pribadong pamantasang Katoliko na matatagpuan sa Taft Avenue sa distrito ng Malate sa Maynila. Ito ay itinatag noong Hunyo 16 sa taong 1911 ng De La Salle Brothers sa Calle Nozaleda Paco, Maynila sa hiling ni Arsobispo Jeremiah James Harty. Noong 1921, ito ay inilipat sa kanyang kasalukuyang kinaroroonan sa 2401 Taft Avenue, Malate. Ang paaralan ay tanging panglalake lamang hanggang 1973 nang magbukas ang pinto nito para sa mga kababaihan.
Mula sa inspirasyon sa karisma ni San Juan Bautista De La Salle, pinagsasama ng unibersidad ang pananampalataya at buhay kasama ng makabagong kaalaman upang maitaguyod ang panibagong lahi ng mga estudyante na magkakalat ng kaalaman para sa pagunlad ng bayan at ang pagbabago sa lipunan. Ang pamantasan ay may anim na kolehiyo na tumatalakay sa negosyo at ekonomiks, inghenyeriya, malalayang sining, siyensya, edukasyon at araling pangkompyuter.
Ang DLSU-Manila ay ang flagship kampus ng De La Salle Philippines, isang sistema ng mga paaralang Lasalyano na binubuo ng 18 institusyon sa Pilipinas. Ito ay itinatag noong 2006 na ang layunin ay palitan ang De La Salle University System. Nakapag-ambag ang pamantasan sa pagsulong ng ibang paaralang lasalyano sa sistema noong nakaraan.
Ito ang isa sa dalawang pamanatasan sa Pilipinas na nakakamit ng ikaapat na lebel ng akreditasyon o (Level 4 accreditation)—ang pinakamataas na lebel—na ibinibigay ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and Universities (PAASCU).
Mga nilalaman |
[baguhin] Akademiko
Ang pamantasan ay kabilang sa pagbuo ng kasunduang consortium kasama ang ibang malalaking pamantasan sa Pilipinas. Ang mga kasunduang ito ay nagbigay daan sa mga programang palitan ng mga mag-aaral at pakuldad sa mga miyembrong paaralan, kabilang na rin dito ang pagbabahagi ng mga espesyalisasyon. Sa kasalukuyan, ang De La Salle ay may kasunduang pangkonsorsyum sa St. Scholastica's College, Philippine Christian University, St. Paul University of Manila, Philippine Normal University, Ateneo de Manila University, at University of the Philippines. Sa pamamagitan ng mga konsorsya na ito, nakakagamit ang mga mag-aaral at guro ng De La Salle ng mga pasilidad ng ibang paaralan, at nakakapagtrabaho sa kanila mga counter-part.
Binubuo ang pakuldad ng pamantasan ng mga religious at lay professors na nagsanay sa labas ng bansa tulad ng Europa, Amerika, at Asya, kabilang na ang Pilipinas.
[baguhin] Mga Kolehyo
Ang pamantasan ay binubuo ng anim na kolehiyo na nagbibigay ng mga programang undergradweyt at gradweyt.
[baguhin] Kolehiyo ng Negosyo at Ekonomiks
Ang Kolehiyo ng Negosyo at Ekonomiks (College of Business and Economics o CBE) ng DLSU-M ay isa ngayon sa pinakanangunguna at dinamikong kolehyong pannegosyo sa Pilipinas. Ang kolehyo ay kasalukuyang umuupa ng mga profesor mula sa kompanyang SGV para sa kaniyang mga kursong Accounting, at nais na madagdagan nito ang mga kurso. Pinagmamalaki nang naturang kolehyo ang kanyang mga estudyante, na nakakuha ng panguna, pangalawa, at pang-apat sa board exams para sa Accounting noong 2004.
[baguhin] Kolehyo ng mga Araling Kompyuter
Ang Kolehyo ng mga Pag-aaral sa Kompyuter (College of Computer Studies o CCS) ay isa sa mga pinakamagaling sa unibersidad at sa Pilipinas. Ang kolehyo ay isa nang ganap na kolehyo ng DLSU-M. Dati itong independenteng institusyon na may pangalan na De La Salle – Professional Schools, Inc.
[baguhin] Kolehyo ng Edukasyon
Hinahawakan ng Kolehyo ng Edukasyon (College of Education o CEd) ang Batsilyer sa Agham sa Pangalawang Edukasyon, isa sa mga pinakalumang kurso sa unibersidad. Kadalasang mababa ang tingin ng ibang mga estudyante sa ibang paaralan sa kolehyong ito. Sa kabila noon, hindi maitatago na ito ang pinakamatanda at ito ang espesyalidad na kurso ng DLSU. Nasa eleganteng Yuchengco Hall ang kolehyong ito.
[baguhin] Kolehyo ng Inghenyeriya
Pinangungunahan ng Kolehyo ng Inghenyeriya (College of Engineering o CoE) ang bansang Pilipinas para sa pagsulong ng mataas na antas ng edukasyong pang-inghenyeriya para sa mga estudyante. Pinagyayabang ng kolehyo ang kanilang matataas na marka sa board exams ng Pilipinas. Ang maging pinakamagaling na inghenyeriyang kolehyo sa Asya Pasipiko sa ika-21 siglo ang kanilang pangunahing misyon. Matatagpuan ang lahat na departamento ng kolehyo sa Velasco Hall, maliban sa Departamento ng Inghenyeriyang Mekanikal, na nasa unang palapag ng Miguel Hall. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga estudyante ng kolehyo ay lalaki.
[baguhin] Kolehyo ng malalayang Sining
Inaalok ng Kolehyo ng malalayang Sining (College of Liberal Arts o CLA) ang pangkalahatang kursong edukasyon. Nasa unibersidad na ang kolehyo simula pa nang magbukas ito, at nahati sa dalawang magkahiwalay kolehyo noong 1978. Nasa 70% ng kabuuang kurso ng unibersidad. Matatagpuan ang mga silid-aralan at ang opisina ng Dekano at Pangalawang Dekano sa Miguel Hall, samantala matatagpuan sa William Shaw Hall ang mga opisina ng mga profesor.
Kilala ang Miguel Hall, na pangunahing gusali ng CLA, sa kanyang bukas at nakalalayang karakter na dala ng kawalan ng hallways sa karaniwang sens ng salita. Di-tulad ng hallways ng mga pangunahing gusali ng ibang kolehyo na magkabilaang pinalilibutan ng mga dingding, ang gilid eksteryor lamang ng “hallways” ng Miguel Hall—mula sa ikatlong palapag pataas—ang nakadingding habang ang gilid interyor naman ay nilagyan lamang ng mabababang rehas; nag-iiwan ang setup na ito ng espasyo sa gitna na ideal para sa people-watching mula sa anumang kinaroroonan. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga estudyante ng kolehyo ay babae.
[baguhin] Kolehyo ng Agham
Isa sa mga pinakaunang kolehyo sa bansang Pilipinas ang Kolehyo ng Agham (College of Science o CoS) ng DLSU. Pinagyayabang ng kolehyo ang uring dekalidad na mga profesor. Si Dr. Wyona Patalinghug, na puno of the Departamento ng Kimika ay ang nag-iisang crystallographer sa Pilipinas. Nasa St. Joseph Hall (o SJ) at SRTC ang kolehyong ito.
[baguhin] Sentro ng Kahusayan
Centers of Excellence |
Centers of Development
|
[baguhin] Research centers
- Advanced Research in Computing (AdRIC)
- Bienvenido N. Santos Creative Writing Center
- Brother Alfred Shields FSC Marine Biological Station in Matuod, Batangas
- Center for Business and Economics Research and Development (CBERD)
- Center for Educational Media (CREM)
- Center for Engineering Research, Training and Consultancy
- Center for Natural Sciences and Environmental Research (CENSER)
- Center of Research in Advanced Information and Computing Technology (CReATe)
- CHED-Zonal Research Center
- Culture and Cognition Research Laboratory (CCRL)
- Educational Management Center
- European Documentation and Research Centre (EDRC)
- Laboratoryo sa Pananaliksik sa Sikolohiya (LAPIS) (Laboratory for Research in Psychology)
- Lasallian Institute for Development and Educational Research (LIDER)
- Science and Technology Research Center (STRC)
- Social Development Research Center (SDRC)
[baguhin] Kampus
Ang kampus ng De La Salle University-Manila ay sa kasalukuyan binubuo ng labing-syam na gusali. Nakatayo ito sa 5.04 hektaryang lupa na nakaharap sa Taft Avenue sa distrito ng Malate, malapit sa Rizal Memorial Sports Complex, De La Salle-College of Saint Benilde, at Vito Cruz LRT Station. Ang pinakaunang gusali ng pamantasan ay ang St. La Salle Hall, isang istrakturang neoclassical na dinisenyo ni Tomas Mapua, ngayon ay ginagamit ng Kolehiyo ng Negosyo at Ekonomiks.
Pagkatapos ng gyera, lumaki ang kampus nang itayo ang Br. Athanasius Gym at St. Joseph Hall noong 1950s, at Br. Alphonsus Bloemen Hall at Br. Connon Hall noong 1970s naman. Noong 1980, sinimulan ang pagtatayo ng Velasco Hall, Br. Miguel Hall at ang bagong University Library. Pinalawak pa ang kampus sa Daang Fidel Reyes noong 1990s nang itinayo ang Gokongwei Hall, Science and Technology Research Center, at Enrique M. Razon Sports Complex. Ang mga mas bagong gusali ay ang Br. John Hall na matatagpuan sa pinaka-timog na bahagi ng kampus, ang Don Enrique T. Yuchengco Hall na itinayo ay dating lugar ng Br. Athanasius Gym, at ang Br. Andrew Gonzalez Hall noong June 2006 na matatagpuan sa harapan ng Enrique M. Razon Sports Complex. Sa kasalukuyan, ang Br. Andrew Gonzalez Hall ang pinakamataas na gusaling pang-edukasyon sa Pilipinas.
May dalawang istilong pangarkitekto na kitang-kita sa mga gusali sa pamantasan. Karamihan ng mga gusali ay gumagamit ng neoclassical architecture, samantala ang iba naman ay gumagamit ng hindi gaanong magayak na disenyo na modernist style. Ang disenyo ng Br. Andrew Gonzalez Hall ay isang modernong interpretasyon ng makalumang istilong neoclassical. Gumagamit ito ng magandang porma at proporsyon ng classical architecture, ngunit ginamitan ng modernong linya at materyales tulad ng reflective glass curtain walls at modernong kagamitan.
Classroom buildings
- St. La Salle Hall
- St. Joseph Hall
- St. Brother Miguel Hall
- Velasco Hall
- Gokongwei Hall
- St. Mutien-Marie Hall
- Don Enrique T. Yuchengco Hall
- Br. Andrew Gonzalez Hall
Other buildings
- Br. Connon Hall
- William Hall
- Enrique M. Razon Sports Center
- University Library Building
- Pearl of Great Price Chapel
- Science and Technology Research Center (STRC)
- Marilen-Gaerlan Conservatory
- Br. John Hall
- Br. Alphonsus Bloemen Hall - the university cafeteria
- L'Hermitage House - used for recollections
- Warehouse (formerly the Alphonsus Bloemen Building)- houses the rehearsal hall of the DLSU Pops Orchestra as well as the offices of the 247th Naval ROTC Unit.
- DLSU Press
[baguhin] Paaralang Gradwado ng Negosyo
Nagsimula ang kwento ng Paaralang Gradwado ng Negosyo (Graduate School of Business o GSB) noong 1960. Pagkatapos ng dalawang taong pananaliksik at gawaing paghahanda kasama ng alumni at pangongonsulta sa mga pinuno sa komunidad negosyante, binuksan ng de la Salle ang Graduate School of Business sa pag-alok ng programang pandigring Master ng Pangangasiwa ng Negosyo (MBA).
Noong 1982, sinimulan ng GSB ang programang pandigring Doktor ng Negosyo (DM). Iniba ang pangalan ng programa noong Hunyo 1992 sa Doktor ng Pangangasiwa sa Negosyo (DBA) alinsunod sa Regional DBA Program na sinuportahan ng Canadian International Development Agency (CIDA) at ng Association of Deans of the Southeast Asian Graduate School of Management (ADSGM). Ang DLSU ang isa sa mga institusyong nagbibigay ng digris sa ilalim ng Programang ADSGM-CIDA DBA Program; ang Unibersidad ng Pilipinas ang isa pa.
Inaalok simula noong taong akademiko 1996–97 ng GSB ang programang Master ng Agham sa Computational Finance (MSComFi) para sa profesyonal na investors sa mga pamilihang finansyal.
[baguhin] Talasanggunian
[baguhin] Tingnan din
[baguhin] Mga lingk palabas
- De La Salle University, opisyal na website
- Paaralang Gradwado ng Negosyo ng DLSU-PSI