Digmaang Pilipino-Amerikano
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Kasaysayang militar ng Pilipinas Kasaysayang militar ng Estados Unidos |
|||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Hidwaan | Digmaang Pilipino-Amerikano | ||||||||||||
Petsa | 1899–1913 | ||||||||||||
Lugar | Pilipinas | ||||||||||||
Naibunga | Patuloy ng pagsasanib sa Estados Unidos ng Pilipinas | ||||||||||||
Mga Labanan sa Digmaang Pilipino-Amerikano | |||||||||||||
|
Ang Digmaang Pilipino-Amerikano (Philippine-American War) ay isang digmaan sa pagitan ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos at ng Pilipinas mula 1899 hanggang 1913.
Ang labanang ito ay tinatawag ding Himagsikang Pilipino (Philippine Insurrection). Ang pangalang ito ay mas kadalasang ginagamit sa Estados Unidos, ngunit tinutukoy naman ng mga Pilipino at lumalaking bilang ng Amerikanong mananalaysay ang labanang ito bilang Digmaang Pilipino-Amerikano, at noong 1999, binago na ng U.S. Library of Congress ang lahat ng pagtukoy sa labanan na gamitin ang katawagang ito.
Mga nilalaman |
[baguhin] Pinagmulan ng digmaan
Noong Disyembre 1898, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas mula sa Espanya batay sa Kasunduan sa Paris sa halagang 20 milyong dolyar, matapos matalo ng Estados Unidos ang Espanya sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Hangad ng Estados Unidos na gawing kolonya ng Amerika ang Pilipinas. Gayon pa man, ang mga Pilipino, na nakikipaglaban para sa kanilang kalayaan mula sa Espanya mula 1896, ay nakapagpahayag na ng kanilang kalayaan noong Hunyo 12. Noong Agosto 14, 11,000 ground troops ang ipinadala upang sakupin ang Pilipinas. Ipinahayag noong Enero 1, 1899 si Emilio Aguinaldo bilang unang pangulo ng Pilipinas. Nagtatag siya ng Kongreso sa Malolos, Bulacan, upang gumawa ng saligang batas.
[baguhin] Ang simula ng digmaan
Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano dahil sa makasalungat na mga kilusan para sa kalayaan at kolonisasyon, napalubha pa nang dinamdam ng mga Pilipino na napaglinlangan sila ng kanilang dating kaalyado, ang mga Amerikano. Nagsimula ang labanan noong Pebrero 4, 1899, nang binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang Pilipinong sundalo na tumawid sa tulay papunta sa teritoryong nasasakop ng mga Amerikano sa San Juan del Monte. Kinilala ng mga mananalaysay ang insidenteng ito bilang simula ng digmaan. Sinabi ni Pangulong William McKinley ng Estados Unidos sa mga reporters, "na sinalakay ng mga rebelde ang Maynila" upang mapangatwiranan ang digmaan ng Estados Unidos sa mga Pilipino.
Sumunod na ipinahayag ng adminstrasyon ni Pangulong McKinley ng Estados Unidos na si Aguinaldo bilang "tulisan". Gayun pa man, walang pormal na pagpapahayag ng digmaan ang ipinalabas. Dalawang kadahilanan para dito. Una, na ang tawagin na 'Philippine Insurrection' ang digmaang ito ay nagsasabing ito ay rebelyon laban sa isang 'lawful government', ngunit ang katotohanan, Maynila lamang ang bahagi ng Pilipinas na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Amerikano. Ang ikalawa ay upang maiwasan ang pananagutan ng pamahalaang Amerikano sa mga paghahabol ng mga beterano sa digmaan
[baguhin] Eskalasyon ng mga Amerikano
Kinakailangan ng isang malaking puwersa ng Amerikanong militar (126,000 mga sundalo) upang sakupin ang bansa, at kailangang karaniwang masangkot sa digmaan laban sa puwersang Pilipino sa isang pang dekada. Gayon din, kinuha ng Hukbong Estados Unidos ang mga Macabebeng Pilipino bilang sundalo.
Sa katapusan ng Pebrero, nanaig ang mga Amerikano sa pakikipalaban para sa Maynila, at napilitang ang Hukbong Mapaglaya ng Pilipinas na umatras sa hilaga. Sumunod ng mga tagumpay ng mga Amerikano sa isang matitinding-pakikipaglaban sa Quingua (Abril), Tulay ng Zapote (Hunyo), at Tirad Pass (Disyembre). Kasama ang pagpapaslang noong Hunyo kay Heneral Antonio Luna at ang kamatayn ni Brigadier General Gregorio del Pilar sa Tirad Pass, mabilis na nawala ang kakayahan makipaglaban ng mga Pilipino sa isang kumbensyunal na digmaan. Noong 1900, sa gayon, napilitan si Aguinaldo na utusan ang kanyang hukbo na masangkot sa pakikipadigmang guerilla, isang paraan na naaayon sa kanila at ginawang mahirap para sa mga Amerikano na sakupin ang kapuluan sa mga sumunod na mga taon. Bagaman, hindi sapat na baligtarin ang resulta ng pakikipaglaban ang mga sunod-sunod ng na mga pagkatalo ng mga Amerikano sa Pulang Lupa, Mabitac, at Balangiga.
Noong Marso 1901, nahuli si Aguinaldo ng mga Macabebe Iskawt, sa ilalim ng pag-utos ni Brigadier General Frederick Funston sa Palanan, Isabela. Noong Hulyo 4, 1902, idineklara ng Pangulo ng Estados Unidos na si Theodore Roosevelt na tapos na ang digmaan. Dahan-dahang nagtagumpay ang mga Amerikano sa pag-kontrol ng mga lugar na urban at malapit sa pampang noong huling bahagi ng 1903. Noong 1907, Macario Sacay, isa sa mga huling natitirang Pilipinong heneral na nakikipaglaban sa mga Amerikano, ay hinuli at binitin.
Bagaman naisakatuparan ang ilang sukatan na napahintulot sa bahagiang sariling-pamamahala noong una, hindi natigil ang digmaang guerilla hanggang 1913 nang inihayag ng Pangulo ng Estados Unidos na si Woodrow Wilson ang isang pagbabago sa patakaran na maipagkakaloob sa Pilipinas ang lubusang kalayaan pagkatapos ng isang panahong transisyunal. Sa timog, nakipaglaban ang mga Pilipinong Muslim hanggang 1916—ang tinatawag na Rebelyong Moro. Dahil sa pagkabasik ng pakikipaglaban ng mga Muslim, napilitan ang mga Amerikano sa paggawa at pangangalat ng pistol na Colt .45, na may tamang laki na kalibre na maaaring patigilin ang sumusugod na kalaban.
[baguhin] Mga Amerikanong sumasalungat sa digmaan
May mga ilang Amerikano, kabilang sina William Jennings Bryan, Mark Twain, Andrew Carnegie, at ibang kasapi ng Liga ng mga Amerikanong Kontra-Imperyalista, ang malakas na tinututulan ang pagsasanib sa Pilipinas. Ipinagkakamali ng ibang Amerikano na ibig ng Pilipinas na maging bahagi ng Estados Unidos. Inaangkin ng mga kilusang Kontra-imperyalista ang pagkakanulo ng Estados Unidos sa marangal na layunin ng Digmaang Kastila-Amerikano dahil sa pagiging kapangyarihang kolonyal nito, na pinapalitan lamang ang Espanya sa Pilipinas. Sumasalungat naman ang ibang kontra-imperyalista sa kadahilanang rasismo. Ilan sa mga sumasalungat sa pagsanib ay si Senador Benjamin Tillman ng Timog Carolina, na natatakot sa pagkakaroon ng maraming imigranteng di-puti sa pagsasanib ng Pilipinas, na nagpapahina sa purong lahing puti sa Amerika. Nang nakarating ang balita sa Estados Unidos ng mga ginawang kalupitan sa pagsupil sa Pilipinas, nawalan ang suporta sa digmaan.
[baguhin] Mga kinalabasan
Sa panahon ng digmaan, 4,324 Amerikanong sundalo ang namatay at 2,818 ang nasugatan. Mayroon ding 2,000 sakuna na pinagdusaan ng Philippine Constabulary noong panahon ng digmaan, na mahigit sa isang libo ang disgrasya. Tinatayang umabot sa 20,000 (16,000 ang aktwal na binilang) ang kamatayan sa Pilipinong militar samantalang tinatayang 250,000 hanggang 1,000,000 Pilipinong sibilyan ang namatay. Dahil sa kombinasyon ng superyor na mga sandata at superyor na bilang ng mga Amerikano ang mataas na bilang na sakuna. Mayroon silang mga makabagong mga sandata sa mundo, at mayroong karanasan sa pakikidigma sa Digmaang Sibil at ibang labanang militar. Salungat sa mga Pilipino na mayroon lamang mga sandatang riple.
[baguhin] Silipin din
- Black Legend
- Kasaysayan ng Pilipinas
- Philippine Scouts
- Digmaang Vietnam
- George Dewey
- Katalugan
- Vicente Lukban