Ester Buenaobra
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Ester Buenaobra ay isang artistang Pilipino na produkto ng Premiere Production at isinilang noong 1925. Unang pelikula niya ay di sa Premiere kundi sa Bayani Pictures ang musikal na Kumakaway Ka Pa Irog.
Una niyang pelikula sa Premiere Production ay ang Ang Lumang Bahay sa Gulod na isang katatakutang pelikula. Sa Panahon niya sa Premiere nakagawa siya sa labas ng isang pelikula ang Tubig na Hinugasan ng Quezon Memorial Pictures.
Lumabas din siya sa Taga-ilog ng Premiere kung saan ipinakikilala pa lang ang baguhang si Ruben Rustia. Samantalang dalawa ang nagawa niya sa ilalim ng Manuel Vistan, Jr. ang Trubador ni Eddie del Mar at ang Mahikang Pelikulang Sandino.
Rosa Villa ng Premiere ang huli niyang pelikula.
[baguhin] Pelikula
- 1949 - Kumakaway ka Pa Irog
- 1949 - Ang Lumang Bahay sa Gulod
- 1950 - Tubig na Hinugasan
- 1950 - Prinsipe Don Juan
- 1951 - Santa Cristina
- 1951 - Bahay na Tisa
- 1951 - Taga-ilog'
- 1951 - Birtud
- 1952 - Trubador
- 1952 - Sandino
- 1953 - Rosa Villa