Gerald Anderson
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Gerald Anderson | |
Tunay na pangalan: | Gerald Anderson |
Petsa ng kapanganakan: | |
Kilalang pagganap: | contestant sa Pinoy Big Brother Teen Edition; Travis sa Sana Maulit Muli |
---|
Si Gerald Anderson (Marso 6, 1989) ay isang mestisong artista sa Pilipinas. Una siyang nakita sa reality-show na Pinoy Big Brother: Teen Edition at isa siya sa Big 4 ng programa. Siya ang tinaguriang Ang Amboy Hottie from Gen San sa palabas. Ka-love team niya si Kim Chiu na kasama niya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition.
"Kimerald" ang tawag sa love team nina Anderson at Chiu na ginawa ng kanilang mga tagahanga. Lumalabas ngayon sila sa palabas na Love Spell. Lumabas din sila sa palabas na Aalog-Alog.
Lumabas din ang tambalan nina Anderson at Chiu sa pelikulang First Day High kung saan si Anderson ang tinaguriang "MVP High" at si Chiu ang tinaguriang "Brainy High" ng eskwelahan. Kasama rin sina Maja Salvador, Geoff Eigenmann at si Jason Abalos sa pelikula.
Sina Anderson at Chiu ay lumabas din sa isang teleserye na pinamagatang Sana Maulit Muli na kung saan ginampanan ni Anderson ang papel na Travis Johnson at si Chiu sa papel na Jasmine Sta. Maria.
[baguhin] Telebisyon
- Pinoy Big Brother: Teen Edition
- Love Spell: My Boy, My Girl
- Love Spell: Charm & Crystal
- Sana Maulit Muli
- Aalog-Alog
[baguhin] Palabas sa Sinehan
- First Day High