Government bond
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang government bond ay isang katawagang hiniram mula sa Inggles na tumutukoy sa isang bond na iniisyu ng isang pambansang pamahalaan sa sariling pananalapi ng bansa. Ang mga bond na iniisyu ng mga pambansang pamahalaan sa pananalapi ng ibang bansa ay karaniwang tinutukoy bilang mga sovereign bond.
[baguhin] Panganib
Madalas tinutukoy ang mga government bond bilang mga risk-free bond, dahil ang pamahalaan ay maaaring magtaas ng mga buwis o simpleng maglimbag ng karagdagang salapi upang ma-redeem ang bond pagdating ng maturity. Mayroon ding mga maling halimbawa kung saan nag-default ang pamahalaan sa domestic currency debt nito, tulad ng sa Rusya noong 1998—ang “krisis rubl’”—bagaman napakapambihira lamang nito.
Bilang halimbawa, sa Estados Unidos, ang mga Treasury securities ay iniisyu sa dolyar US at ito rin ang mga pinakaligtas na pamumuhunan sa dolyar US. Gayumpaman, mayroon pa ring mga ibang panganib, gaya ng panganib pampananalapi sa mga dayuhang mamumuhunan. (Hal. Marahil na nakatanggap ang mga di-Amerikanong namumuhunan ng US Treasuries ng mas mabababang kita noong 2004 dulot ng pagbaba ng halaga ng dolyar US kahambing ng ibang mga pananalapi.) Pangalawa, naroon ang panganib ng inflation—kapag ang prinsipal na ibinalik pagdating ng maturity ay nagtataglay na ng mas mababa purchasing power o kapangyarihang pambili kaysa inasahan kung ang inflation outturn ay mas mataas sa inaasahan. Maraming pamahalaan ang nag-iisyu ng mga inflation-indexed bond na isinasanggalang ang mga mamumuhunan mula sa panganib ng inflation.
[baguhin] Pag-isyu
Iniisyu ang mga government bond sa pamamagitan ng mga tanggapan na bahagi ng kagawarang ng tesoreriya.
[baguhin] Tingnan din
- Mga sikyuriting pampamahalaang Pilipino
- Utang pampamahalaan