Jose Climaco
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si José Clímaco na kilala rin sa tawag na Joe Climaco ay isang Pilipinong Direktor at isang Aktor. Siya ang kabiyak ni Lilian Velez na nabiyayaan ng isang anak bago namatay ang asawa.
Siya ay isinilang noong 1924 at nakagawa ng mga pelikula karamihan sa LVN.
Una niyang pinamahalaan ang pelikula ng kanyang asawa na si Lilian ang Sa Kabukiran na isang Musikal samantalang sinundan ito ng isa pang pelikula na mula sa 3 Star Pictures ang G.I. Fever
Taong 1949 ng pumirma siya ng kontrata at palagian ng gumawa sa iisang kompanya ang LVN Pictures at nauna na rito ang Parola nina Norma Blancaflor at Jaime dela Rosa.
Kilala si Joe sa kanyang mga gawang pelikula na kung hindi Drama ay isang Musikal.
Minsan na rin siyang gumanap bilang isang aktor sa pelikulang Harana sa Karagatan noong 1952 ni Mila del Sol.
Pumanaw ang kanyang asawa na labis niyang ikinalungkot noong 1948
[baguhin] Pelikula
- 1947 - Sa Kabukiran
- 1947 - G.I. Fever
- 1949 - Parola
- 1949 - Tambol Mayor
- 1949 - Ang Kandidato
- 1949 - Biglang Yaman
- 1950 - Nagsaulian ng Kandila
- 1951 - Nasaan ka, Giliw
- 1952 - Harana sa Karagatan
- 1952 - Isabelita
- 1953 - Awit ng Pag-ibig
- 1953 - Dalawang Pag-ibig
- 1955 - Palasyong Pawid
- 1955 - Karnabal
- 1956 - Everlasting
- 1957 - Nasaan ka Irog?
Trivia:
- Kabiyak ni Lilian Velez