Karapatang-ari
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang karapatang-ari (Ingles: copyright) ay isang koleksyon ng mga karapatang eksklusibo na ibinibigay ng mga pamahalaan sa pagwasto ng isang partikular na ekspresyon ng isang idea o impormasyon. Sa pinaka-heneral, ito ay, sa katuturang literal, "ang karapatan para kumopya" ng isang gawaing orihinal. Sa mga nakararaming kaso, itong mga karapatan ay mayrong takdang-panahon. Ang simbolo ng karapatang-ari ay ang ©.