Knock Out
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Knock Out | |
[[Image:|150px|200px|]] | |
はじめの一歩 (Ang Unang Hakbang) |
|
Dibisyon | Sport |
Manga | |
May-akda | Jyoji "George" Morikawa |
Nagpalimbag | Kodansha |
Ginawang serye sa | Weekly Shonen Magazine |
Mga araw na nailimbag | – |
Blg. ng bolyum | 76
|
TV anime | |
Sa direksyon ni | Satoshi Nishimura |
Istudyo | Madhouse |
Network | Nippon Television |
Orihinal na ere | 3 October 2000 – 27 March 2002 |
Blg. ng kabanata | 76 |
Ang Knock Out, o mas kilala sa bansang Japan bilang Hajime No Ippo, ay isang anime and manga na pang-isports. Ito ay ginawa ni Jyogi "George" Morikawa at na-serialize ng Kodansha sa Shonen Weekly.
Isang bersyong anime ang naisagawa ng Madhouse Production. Nagkaroon ito ng 76 episodes at ipinalabas sa Japan sa istasyong Nippon TV Network mula Oktubre 2000 hanggang Marso 2002.
[baguhin] Istorya
Si Ippo Makunochi ay isang mahiyaing estudyante sa hayskul na hindi nagkaroon ng panahon na makipagkaibigan sa iba dahil abala siya sa pagtulong ng kanyang ina sa pangingisda. Dahil dito, may isang grupo ng mga hambog ang nasanayang tuksuin siya.
Isang araw, sinaktan siya ng labis sa mga hambog na ito. Dumaan ang isang propesyonal na boksingero at, nang makita ang pang-aapi na ginawa kay Ippo, tinigilan ang mga hambog sa kanilang ginagawa at dinala si Ippo sa Kamogawa Gym, isang gym na pinagmamay-ari ng retiradong boksingero na si Genji Kamogawa, para maipagamot siya. Nang magising si Ippo sa mga tunog mula sa pag-eensayo ng mga boksingero, sinubukan ni Mamoru Takamura, ang boksingerong lumigtas sa kanya, na pasayahin si Ippo sa pamamagitan ng paglabas ng kanyang sama ng loob sa isang sandbag. Doon nakita nila ang potensyal ni Ippo na maging boksingero.
Mula noon, palaging nag-eensayo si Ippo sa Kamogawa Gym at pinuntahan ang daan ng propesyonal na boksing sa Japan.
[baguhin] Ang Pag-ere nito sa Pilipinas
Unang ipinalabas ang anime series na ito sa GMA noong 2002.