Komisyon sa Wikang Filipino
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha ng Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) na iniaatas ng Konstitusyon ng Pilipinas, na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
Ang lahad na misyon ng KWF ay magbalangkas, may-ugnay, at magpatupad ng mga programa at proyekto sa pananaliksik upang higit pang mapabilis ang pagsulong at pagbulas ng wikang Filipino bilang medium ng pangkalahatang talastasan at gayundin ng mga layuning intelektwal.
Hangarin ng KWF na idevelop ang Filipino bilang isang modernong wikang magagamit na mabisang kasangkapan sa kabuuan ng pambansang pagpapaunlad. Ngunit, sang-ayon sa pagsusuri ng iba, tila inutil ang komisyon sapagkat hindi nito nagagawa ang kanyang tungkulin dahil sa kakulangan ng pondo at sa umaalingawngaw na umano'y katiwalian.
[baguhin] Mga katutubong wika ng Pilipinas
Ayon sa KWF, kakambal sa kanilang misyon ang pangangalaga at pagpapanatili ng iba pang mga katutubong wika ng bansa.
[baguhin] Mga panlabas na lingk
- Komisyon sa Wikang Filipino, opisyal na website
- Komisyon sa Wikang Filipino sa PBwiki