Lungsod ng Cebu
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Cebu na ipinapakita ang lokasyon ng Lungsod ng Cebu | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | Gitnang Visayas (Rehiyon VII) |
Lalawigan | Cebu (kapital) |
Distrito | Una at ikalawang distrito ng Lungsod ng Cebu |
Mga barangay | 80 |
Kaurian ng kita: | Unang klaseng lungsod; mataas sa pagiging urbanisado |
Alkalde | Tomas Osmeña |
Pagkatatag | 1565 |
Naging lungsod | Pebrero 24, 1937 |
Opisyal na websayt | www.cebucity.gov.ph |
Mga pisikal na katangian | |
Lawak | 280.2 km² |
Populasyon | 718,821 2565.4/km² |
Mga coordinate | 10°17' N 123°54' E |
Ang Lungsod ng Cebu ay ang kapital ng Lalawigan ng Cebu sa Pilipinas at ang ikalawang pinakamahalagang sentrong kalakhan ng bansa. Matatagpuan ang lungsod sa pulo ng Cebu at ang pinakamatandang lungsod sa bansa, mas matanda pa sa kapital ng bansa, ang Maynila. Isa itong pangunahing daungan at tahanan ng mahigit sa 80% ng interisland na kompayang pangdagat. Pangunahing daungan din ang Cebu, sa labas ng kapital, ng internasyunal na lipad sa bansa at ang pinakamahalagang sentro ng komersyo, pangangalakal, at industriya sa Visayas at Mindanao, ang mga katimogang bahagi ng bansa. Sang-ayon sa sensus noong 2000, mayroon itong populasyon na 718,821 katao sa 147,600 mga sambahayanan.