Lungsod ng Malabon
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Malabon ay isa sa mga lungsod na binubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Matatagpuan sa hilaga ng Maynila, tinatayang may 340,000 ang populasyon nito. Residensyal at industriyal ang karamihan ng lungsod at isa ito pinakamakapal ang populasyon sa kalakhan.
Bahagi ang lungsod sa impormal na CAMANAVA sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila. Binubuo ang CAMANAVA ng Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Lungsod ng Valenzuela. Napapaligiran ang Malabon ng Caloocan sa timog at silangan, Navotas sa kanluran, at Valenzuela sa hilaga. Nasa hilaga-kanluran naman ng hangganan nito ang Obando na bayan ng lalawigan ng Bulacan.
[baguhin] Tingnan din
Mga lungsod at Bayan ng Kalakhang Maynila | |
Mga lungsod: | Caloocan | Las Piñas | Makati | Malabon | Mandaluyong | Maynila | Marikina | Muntinlupa | Parañaque | Pasay | Pasig | Lungsod Quezon | Taguig | Valenzuela |
Mga munisipalidad: | Navotas | Pateros | San Juan |