Mga Kapampangan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang mga Kapampangan ang ikapitong pinakamalaking pangkat etnikong Pilipino. Pangunahin silang naninirahan sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac, gayundin sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, at Zambales, at may bilang sila na mahigit-kumulang 2,890,000. Ang wikang Kapampangan ang katutubong wika ng mga Kapampangan.
Sinasabing ang lutuing Kapampangan ang pinaka-evolved at pinakadalisay sa mga lutuing Pilipino; ang Pampanga ang tinataguriang sentrong kulinari ng Pilipinas. Ang ilan sa mga pagkaing nagmula sa Pampanga ay ang kare-kare, sisig, at kilawin.
[baguhin] Mga panlabas na lingk
- eK!, isang jornal Kapampangan ng mga idea
- Mga sanaysay tungkol sa nasyonalismong Kapampangan
- Mga sanaysay tungkol sa espiritwalidad Kapampangan
- Mga sanaysay tungkol sa mga isyung pangkulturang Kapampangan