Mga Negrito
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
UNANG PANGKAT : MGA NEGRITO ( mula sa teorya ni H. Otley Beyer )
Ang mga Negrito ang sinasabingunang pangkat na dumating sa kapuluan may 20,000 na taon na ang nakararaan. Diumano, galing sila sa Borneo at naglakad sa mga tulay ng lupa. Nagtungo sila sa Palawan, Mindoro at sa ilang bahagi ng Mindano.
Ang mga Negrito ay maliliit lamang. Ang taas nila ay umaabot lamang sa apat na talampakan. Maitim ang kanilang balat, pango ang ilong, makakapal ang labi at kulot na kulot ang itim na buhok. Ang kanilang mga gamit ay sumpit, busog at pana at mga kagamitan na yari sa bato.
Pagala - gala ang mga Negrito. Karamihan sa kanila ay tumira sa mga kweba at sa gilid ng mga bundok. May mga pansamantala silang tirahan na yari sa sanga at dahon ng punongkahoy. Palipat - lipat sila ng tirahan upang humanap ng pagkain. Nangunguha sila ng mga prutas, halamang - ugat at anumang halaman na maaaring kainin.