Mihai Trăistariu
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Mihai Trăistariu (ipinanganak Disyembre 16, 1979 sa Piatra Neamţ) ay isa sa mga pinakamatatagumpay na mang-aawit at manunugtog sa Romanya. Ikinatawan niya ang bansa sa Eurovision Song Contest 2006 na iginanap sa Athína, Gresya sa awit niyang Tornerò (“Babalik Ako” sa Italyano) na itinanghal sa Italyano at Inggles at nanalo ng ikaapat na pwesto sa paligsahan.
Mayroong digring pampanantasan sa matematika si Trăistariu ngunit nagpasiya siyang maging isang mang-aawit. Siya ay binabalitaang isa sa mga iilan lamang na mang-aawit sa daigdig na may five-octave range at dahil dito binigyan siya ng titulong “ang lalaking Mariah Carey”.
[baguhin] Mga lingk palabas
- Opisyal na website
- Liriks ng Tornerò, mula sa opisyal na website ng ESC 2006
- Video website