Moderaterna
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Moderata Samlingspartiet ay isang partidong pampolitika sa Sweden. Itinatag ang partido noong 1904.
Si Fredrik Reinfeldt ang tagapangulo ng partido.
Ang Moderata Ungdomsförbundet ang kapisanang pangkabataan ng partido.
Sa halalang pamparlamento ng 2006, nagtamo ng 1456014 boto ang partido (26.23%, 97 upuan).
May 4 upuan ang partido sa Parlamentong Europeo.