Monarkiyang konstitusyonal
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang monarkiyang konstitusyonal ay pinamumunuan ng isang monarka (Hari o Reyna) na ang kapangyarikan ay limitado at hindi lubos. Ang kapangyarihan ng monarka ay nakokontrol ng ibang mga pinunong pampamahalaan at ng mga karapatan ng tao. Kadalasan, ang ganitong uri ng monarka ay umiiral sa isang parlamentaryo, na ang monarka ang simbolikong pinuno ng estado. Siya ay naghahari subalit hindi namamahala. Ang tunay na pinuno ng pamahalaan ay ang punong ministro na ang partido ay may pinakamaraming bilang sa parlamentaryo o sa sangay ng gumagawa ng batas.