Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao (Ingles: Autonomous Region in Muslim Mindanao, ARMM) ay isang rehiyon ng Pilipinas ay binubuo ng limang lalawigan at isang lungsod: ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at ang Lungsod Marawi. Nilipat ng Executive Order No. 36 ang Basilan mula Rehiyong IX at Lungsod ng Marawi mula sa Rehiyong XII. Isang sentrong panrehiyon ang Lungsod Cotabato at luklukan ng pamahalaan sa rehiyon ng ARMM, ngunit bahagi ng Rehiyong XII ang lungsod.
Unang nilikha ang rehiyon noong Agosto 1, 1980 sa bisa ng Batas Republika Blg. 6734, na kilala din bilang Organic Act. Opisyal na itinalaga ang ARMM noong Nobyembre 6, 1990 sa Lungsod Cotabato.