Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (IATA: MNL, ICAO: RPLL) ay ang pangunahing paliparan ng Pilipinas na nasa Kalakhang Maynila. Ito ay nakalugar sa pagitan ng Lungsod ng Paranaque at Lungsod ng Pasay, at pitong kilometro ang layo sa Lungsod ng Maynila. Ang mga kapalit nitong mga paliparan ay ang Paliparang Pandaigdig ng Diosdado Macapagal sa Lungsod ng Angeles, Paliparang Pandaigdig ng Mactan-Cebu sa Lungsod ng Lapu-Lapu at ang Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy sa Lungsod ng Davao. Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino ay mayroong tatalong "terminal" na nagsisilbi sa mga sasakyang panghimpapawid.
Sa taong Mayo 2005 hanggang Mayo 2006, ang paliparan ay humawak ng mahigit 16,466,000 na mga pasahero.