Triskelion
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang triskelion (mula sa Griyego τρισκελης) ay isang bagay na mayroong tatlong paa at ito rin ang tawag sa isang simbolong Sicilian (nakalarawan sa kanan).
Mga nilalaman |
[baguhin] Kasaysayan at alamat
Sa isang panahon sa dakong ikawalong siglo BC, isang Griyegong expeditionary party ay naghahanap ng bagong teritoryo sa Mediterranean nang sila ay makatagpo ng isang malaki at dati'y di kilalang pulo. Sila ay naaakit sa masaganang likas na yaman na ipinapakita ng pulo. Sa pag-iikot sa pulo, nalaman ng mga Griyego na ito ay may tatlong point, kung saan ito ay kilala na bilang Cape Pachinu sa timog, Cape Peloru sa silangan, at Cape Lilibeu sa kanluran. Lumabas ang triskelion pagkatapos manirahan ang mga Griyego sa pulo na tinawag nilang Trinacria, mula sa salitang Griyego: trinacrios, na nangangahulugang tatsulok. Ang triskelion ay inadopt ng mga Griyego bilang simbolo ng Trinacria at mula noon ay nanatiling simbolo ng Sicily.