Unang Rebolusyon sa EDSA
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Unang Rebolusyon sa EDSA, tinatawag ding People Power, Pilipinong Rebolusyon ng 1986 at EDSA I ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.