Watawat ng Indonesia
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Pambansang watawat ng Indonesia, na kilala rin bilang Sang Merah Putih sa Wikang Indonesian, ay batay sa watawat ng Emperyong Majapahit, noong ika-13 dantaon. Ang watawat ay ipinakilala at itinaas sa mga Indonesian noong seremonya ng Araw ng Kalayaan ng Indonesia noong Agosto 17, 1945. Sa loob ng 60 taon, ang desenyo ng watawat ay hindi nabago pati na ang haba at kulay nito.
Ang disenyo ng watawat ay simpleng dalawang kulay na watawat na may dalawang pantay na parihaba, pula sa taas at pula sa baba na may 2:3 ratio. Ang watawat ay kahalintulad ng watawat ng Polamd, at ng sa Monaco (maliban na lang sa ratio). Sinisimbolo ng pula ang katapangan, samantalang ang puti naman ang sumasagisag sa ispiritwal na aspeto. Higit pa, may awit na pinamagatang "Merah Putih" (Pula at Puti) at isa sa mga pambansang awit.
[baguhin] Kahulugan ng watawat
Tumatayo ang pula sa katapangan, habang ang puti naman ay sa kadalisayan. Tuamtayo ang pula bilang katawan ng tao o ang panlabas na anyo, at ang puti naman ang sumasagisag sa kaluluwa o buhay ispirtwal ng tao. At kapag pinagsama ay ang kabuuang pagkatao [1]