Wikang Kastila sa Pilipinas
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kolonisasyong Kastila
Nagsimulang maging isa sa mga wika ng kapuluan ang Kastila noong 1565, nang itatag ng eksplorador na Baskong si Miguel López de Legaspi ang unang paninirahan sa Cebú.
Noong una, opsyonal at hindi obligatoryo ang pagturo ng Kastila. Tulad sa Amerikas, nagsermon ang mga pari sa mga katutubo sa mga wikang lokal.
Noong 1593, itinatag sa kapuluan ang kauna-unang prensa. Malaking bahagi ng kasaysayang kolonyal ng kapuluan ay nakasulat sa Kastila. Marami pa ring mga titulo ng lupa, kontrata, dyaryo, at panitikan ang nakasulat sa Kastila.
Binuksan noon 1611 ang Universidad de Santo Tomás, ang kauna-unahang institusyong pang-edukasyon. Noong 1863, ipinagutos ni Reyna Isabel II ng Espanya ang pagtatag ng isang sistemang paaralang pampubliko sa kapuluan.
[baguhin] Impluwensya sa Tagalog at iba pang mga Wika
May higit-kumulang na 4000 salitang Kastila sa Tagalog, at mga 6000 sa Bisaya at iba pang mga wika. Marami pa rin ang gumagamit hanggang sa ngayon ng sistemang bilangan, kalendaryo, oras, atbp. ng Kastila. Nakapreserba sa Tagalog at iba pang mga lokal na wika ang maraming makalumang salita o anyo ng mga salitang Kastila tulad ng sabon (jabón, kung saan binibigkas ang j nang parang /sh/, tulad ng sa medyebal na Espanya), relos (reloj, ganon ulit, gamit ang medyebal na Kastila na j), kwarta (cuarta), atbp.
Sa Cavite, at lalo na sa Zamboanga, sinasalita ang Chavacano, isang creole ng Kastila.
[baguhin] Tingan din
- Akademyang Pilipino ng Wikang Kastila
- Wikang Kastila
- Kulturang Ispano sa Filipinas
- Unyong Latino
- Wikang Zamboangueño
- Panitikan ng Pilipinas
- Leyenda negra
[baguhin] Mga panlabas na lingk
- Círculo hispanofilipino, gurpong may layuning buhayin muli ang paggamit ng Kastila sa Pilipinas
- Instituto Cervantes de Manila, himpilan ng Instituto Cervantes sa silangang Asya
- Spanish for Filipinos and Others
- Statistics: Spanish Language in the Philippines, kasaysayan ng wikang Kastila sa Pilipinas (sa Kastila at sa Inggles)
- The National Archives
- La página del mundo hispanofilipino, malawak na koleksyon ng mga artikulo at lingk na nauukol sa ugnayang Ispanofilipino
- El boom del español en Filipinas, artikulo tungkol sa kasalukuyang paglaki ng interes sa Pilipinas para sa wikang Kastila
- Chabacano/Spanish and the Philippine Linguistic Identity, ni John M. Lipski