3G
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang 3G (o 3-G) ay isang daglat para sa teknolohiyang third generation (Tagalog: ikatlong henerasyon). Ginagamit ito sa konteksto ng pamantayan ng mga teleponong selyular. Ang mga serbisyo na kasama sa 3G ay naglalaan ng kakayahang maglipat ng sabay ang datang boses (isang panteleponong tawag) at datang hindi-boses (tulad ng pagda-download ng impormasyon, pagpapalit ng elektronikong liham, at mabilisang pagmemensahe). Sa pagbebenta ng mga serbisyong 3G, ang teleponyang may bidyo ay karaniwang ginagamit bilang killer application para sa 3G.