Arkitekturang Gotika
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang arkitekturang Gotika ay isang istilo ng arkitekturang Europeo, partikular na iniuugnay sa mga katedral at ibang mga simbahan, simula noong ika-12 siglo sa Pransya at ginagamit noong mataas at huling Gitnang Panahon. Nasundan ito arkitekturang Renasimyento simula sa Florence noong ika-15 siglo. May mga pagbabalik muli ng mga Gotika noong kalagitnaan ng ika-18 siglo sa Inglatera, nagtagumpay sa Europa noong ika-19 na siglo at nagpatuloy noong ika-20 siglo para sa mga kayariang eklesiastikal at pang-pamantasan.