Ateneo de Naga University
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Pamantasang Ateneo de Naga | |
Motto | Primum Regnum Dei ("Seek first the Kingdom of God") |
Pagkatatag | 1940 |
Uri | Pribado, Pamantasang Heswita |
Pangulo | Fr. Joel E. Tabora, S.J. |
Lokasyon | Naga City, Camarines Sur, Philippines |
Laki ng Paaralan | 7 ha. (Main Campus), 10 ha. (Pacol Campus) |
Dami ng Nag-aaral | Approx. 6,100 undergraduate, |
Guro | 166 |
Mascot | Golden Knight |
Hymn | Ateneo Marching Song |
Homepage | www.adnu.edu.ph |
Ang Pamantasanng Ateneo de Naga ay isang pamantasang Heswita, Katoliko at pampribado. Ito ay lalong kilala sa tawag na Ateneo de Naga University sa wikang Ingles. Kilala ito bilang nangungunang pamantasan sa Bikol at Timog Luzon. Ito ay itinatag bilang paaralang Heswita para sa lalaking sekondarya noong 1940 sa imbitasyon ng Arsobispo ng Nueva Caceres at si Padre Francis Burns, S.J. bilang unang rektor. Noong ika - 5 ng Hunyo, 1947 ay binuksan ang Kolehiyo at anim na taon ang nakalipas ay nagsimulang tumanggap ng mga kababaihang estudyante sa Kolehiyo. Noong ika - 20 ng Pebrero, 1999 ay ginawaran ng CHED ang Ateneo de Naga bilang isang pamantasan at ang si Padre Raul J. Bonoan, S.J. bilang unang pangulo ng pamantasan. Nakaraang ika - 28 ng Agosto, 1999 ay ang instalasyon kay Padre Joel E. Tabora, S.J. bilang pangulo ng pamantasan