Awtoritarismo
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang awtoritarismo ay isang uri ng pamahalaan na kung saan ang kalayaan ng mga mamamayan ay lubusang napapasailalim sa kapangyarihan ng pamahalaan na pinapatakbo ng iisang tao o maliit na grupo. Malakas ang sistema ng herarkiya ng mga rehimeng awtoritaryo.
Sa isang awtoritaryong sistema ng pamahalaan, ang mga mamamayan ay nasasakop sa awtoridad ng estado sa maraming aspeto ng kanilang buhay, na kasama ang mga maramihang aspeto na, ayon sa mga ibang pilosopiyang pampulitika, ay kinikita bilang mga bagay ng pansariling pagpili. May mga iba't-ibang antas ng awtoritarismo; kahit mga talagang demokratiko at liberal ay maaaring magpakita ng awtoritarismo sa ilang kalakihan, halimbawa, sa kalaparan ng pambansang kasiguruan.