Historic Filipinotown
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Makasaysayang Pilipinotown o sa Ingles ay tawag na Historic Filipinotown ay nasa Los Angeles, California, sa kalagitnaan ng Echo Park. Ang distrito ay nakalugar sa may banda ng 101 Freeway hanggang sa hilaga, ang Beverly Boulevard ay nasa timog, sa kanluran ay ang Kalye ng Hoover, at ang Glendale Boulevard sa silangan, na nasa hilagang kanluran ng Downtown Los Angeles. Itong lugar ay unang itinghal sa tulong ni Eric Garcetti, isang miyembro ng city council sa petsang ika-2 ng Agosto, taong 2002.
Ang Makasaysayang Pilipinotown ay isa sa mga lugar na naninirahan ang mga taong may lahing Pilipino.