Hundred Islands National Park
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Hundred Islands National Park[1] ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.[2]
Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing mataas na paglaki ng tubig.
Nakakalat sa Golpo ng Lingayen ang mga pulo at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62 acres). Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.
Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon at Children.[3]
[baguhin] Mga pulo
- Pulo ng Gobernador – kung saan makikita ang bahay ni Kuya (ng Pinoy Big Brother) na ginamit ng mga housemate ng Teen Edition
- Pulo ng Quezon – para sa mga naninirahan sa loob ng kampo at mga nagpipiknik[3]
- Pulo ng Children – kung saan matatagpuan ang mga bahay kubo[3]
- Pulo ng Romulo – kung saan naganap ang shooting ng Marina, teleserye ng ABS-CBN
- Pulo ng Cuenco (Pandi) – kung saan makikita ang isang malaking kuweba
[baguhin] Larawan
Ang bahay ni Kuya (ng Pinoy Big Brother) sa pulo ng Gobernador |
[baguhin] Mga references
- ↑ Maaring tawagin sa Tagalog na "Pambansang Parke ng Kapuluang Sandaan".
- ↑ Tourist Attractions- Hundred Islands National Park. Pamahalaan ng Alaminos. Nakuha noong 2007-04-08.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 The Hundred Islands. Kagawaran ng Turismo. Nakuha noong 2007-04-08.