Isaac Asimov
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Dr. Isaac Asimov (c. 2 Enero 1920 – 6 Abril 1992, orihinal na sinusulat bilang Исаак Озимов ngunit ngayon ay sinusulat na sa wikang Ruso bilang Айзек Азимов) ay isang Amerikanong Hudeo na ipinanganak sa Rusya. Isa siyang biokemiko at manunulat na kilala sa kanyang mga akdang science fiction at kanyang mga popular na aklat agham. Ang pinakatanyag na gawa ni Asimov ay ang Foundation Series kung na bahagai ng isa sa kanyang mga malalaking serye, ang Galactic Empire Series, na kalauna'y napag-isa rin sa the Robot Series. Sumulat din siya ng mga akdang misteryo at pantasya, gayundin ng maraming di-piksyon. Sumulat at nakapag-edit si Asomov ng higit kumulang 500 bolyum at 90,000 sulat at poskard, kung saan nakapag-ambag siya sa bawat kategorya ng Dewey Decimal System maliban sa Pilosopiya. Sa karamihan, tinagurian si Asimov bilang bihasa sa science fiction, at kasama sina Robert A. Heinlein at Arthur C. Clarke, kinilala bilang isa sa "Big Three" ng science fiction.
Isinalin mula sa http://en.wikipedia.org/wiki/Isaac_asimov